(this blog post will be written mostly in filipino for the full expression of hate, abhor, and anger)
hindi na kaila sa tao ang pagkakaroon ng "irony" sa buhay. minsan gusto mong maging masaya pero ang ginagawa mo sa buhay mo ay mga bagay na nakakapagpalungkot sa'yo.
may mga nangyari na nagpakita ng ganyan sa buhay ko nito lang. tulad nga ng lagi kong sinasabi sa mga first year ko ngayon "kung sa academics hindi ka magaling, pati ba naman sa buhay ay tatanga-tanga ka rin? puro ka nga line of 7, pati ba naman sa sarili mo: ang mga alam mong mali ay gagawin mo pa rin."
kagabi ang gabi ng pagsuko. ayoko na, ilang beses ko na silang pinagbigyan. ilang beses rin nila akong sinubok at binigo. pero bilang isang magulang at kaibigan sa kanila (dahil sila rin naman ang unang star section na nahawakan ko at co-adviser pa nila ako noon), ako na ang nag-aayos ng mga problema.
sandali! baka naman overacting lang ako? ipapaliwanag ko nang mabuti baka naman sabihin nila
'
camiguin-line' na "teka lang, naiintindihan nyo ba kung bakit nagalit yun?"
here are the reasons:
1.
magpasahan tayo! wala akong pakialam kung tutuusin. naayos ko ang re-enactment actors ng first year para sa grand rosary rally. kumpleto ako. kaya lang ang sa third year ang kulang, so sabi ng isang taong nag-nga-ngalang mitchell: "sir, sa baba may mga nagba-basketball. kumuha na lang kayo sa kanila." pagbaba ko: "ianne, tama na muna yan. kailangan kita para mag-act na angel." sabi ni ianne: "ayoko sir , si marga na lang." pumunta ako kay marga: "ayoko sir. si daniel na lang."
KAMUSTA NAMAN?! una sa lahat, kaaayos lang namin ianne ng problema namin. pangalawa akala close kami ni marga, eh sa marga nga hindi sumunod sa akin, si daniel pa kaya na hindi ko ka-close at hindi ako pinapansin sa school ang susunod sa aking utos. eh nung first year nga sila at kinailangan ko silang magsayaw ng kanilang dasayawit presentation bilang intermission program tinanggihan nila ako na pinangunahan ni daniel! naka-costume na sila nung and everything ha, sa huling sandali nagbackout pa.
2.
hindi ako pwede, busy ako! bago ko gawin ang post na ito, alam kong may mga effect. lalo na sa mga makakabasa na kasama sa 9 or kung anumang numerong meron sa barkadang iyon. sinabi sa akin ni shirra at ni iman (OO, hindi ko i-si-sikreto ang pangalan nila. DAHIL NAGSABI SILA SA AKIN!) na nagkarambola ang lahat dahil sa mga kailangan ni mitchell at lorraine (ang mga nagsipagganap dun sa re-enactment para sa grand rosary rally pa rin) para sa kanilang roles. habang nag-aayos, sinabi pa ng iba na (pasalamat sa akin ang ISANG yun at hindi ko maaalala o hindi sinabi sa akin ni shirra kung sino sya): "ay hindi ako pwede marami akong gagawin mamaya" sinabi nya yan the day before. EH NUNG DAY BEFORE (refer to #1) KASAMA ANG TAONG ITO NI MARGA NA NANONOOD LANG SA MGA NAGBABASKETBALL DOING NOTHING! ang the cherry on top of it is - nung nag-g-gm si shirra sa mga tao may MAKAPAL ANG MUKHA na nagsabing "ANO BA YAN, GM NG GM, NAKAKAISTORBO KA NA HA."
ang kapal ng mukha, kala mo may itinutulong. nagrereklamo pa. para sa school naman yan ah. hindi ka na nga naaabala in action, konti window lang sa ym nag-iinarte ka pa.
NOTE / THREAT: may marinig lang ako na bumwelta, nagparinig, nagalit, nagbulungan o kung ano mang aksyon laban kay shirra at iman dahil si ginawa nilang ito, AKO ANG MAKAKALABAN NINYO. you know me and you know what i can do. subukan nyo, dahil kung meron nga, it just shows na salbahe kayo, kung sino na nga ang gumawa ng tama, sa kanila pa kayo nagagalit. hirap sa ating mga pilipino eh, kung sino ang gumagawa ng mabuti, hinihila natin pababa. kaya di tayo umuunlad eh.
3.
ang tarpaulin, bow! naman, naman, naman! buti pa ang hindi star section, nakakapagsubmit. ang supposed to be most responsible, most grade-conscious person ay kayo! at walang kayong naibigay! alam nyo ba na graded yun? alam nyo ba na project yun na part ng participation which is 25% of your grade? na kapag wala kayo nun, para na rin hindi kayo nag-quarterly?? tapos pag nagkanda-baba ang grade nyo at tipong "1 point na lang, honor na sana ako" mag-huhuramentado ang mga magulang ninyo dahil sa mga ginagawa ninyo. iba ang nasisisi dahil sa pagmamaganda ninyo sa buhay!!!
4.
crush lang pala. this
part was edited because the person involved said that i was unfair. eto lang ang masasabi ko, "
sorry for wanting good things for you." i guess from the way you act, you dont deserve them. yun lang! gawin nyo kung ano gusto nyong gawin, bahala kayo sa buhay nyo.
5.
finally, the inspirational talk that EXPIRED! a.k.a. ang mga MELAMINE. sabi sa balita, ang melamine raw ay isang uri ng resin na ginagamit pampatigas ng mga plastic na kasangkapan. ito ay nasa powder form na marahil kaya natagpuan sa mga gatas na galing sa China ay para mag mukhang marami ang kanilang mga produktong gatas.
noong nakaraan lang, humiram akong iilang minuto kay sir john para kausapin ang SDS. sinabi ko ang lahat ng aking saloobin. naiyak pa nga ako kasi namimiss ko na ang lumang sila. hindi ko pa nga inasahan na may mga iiyak at hahagulgol. PWE! YUCK! EEW! naplastic ako! iilang araw lang pala ang magiging epekto ng ginawa ko. hindi mangyayari ang number 1 to 4 kung hindi nila nalimutan ang mga sinabi ko! para kayong mga melamine, kunwari gatas na nakakabuti sa katawan, pero nakakalason pala! kunwari nangangakong magbago at aayusin para sa isang bagong pakikitungo, PAPLASTIKIN lang pala ako sa bandang huli. backstabbers!!!
inisip ko noon na baka sobrang higpit siguro ni sir pj sa kanila, kaya sya nagalit. kaya hindi ko ginawa. tapos sabi pa ng tatay ni fredo sa teleseryeng "dyesebel" tungkol sa kanyang anak: "
i put on a too high standard on him (fredo), i expected a lot that i forgot to appreciate who he is." akala ko rin nung una ganun, pero sa kanila, sa SDS, sa star section ng 3rd year batch 2010, it doesnt work that way. i tried to appreciate who they are as a person. but i cant appreciate backstabbing, plastic pretenders even with their fellow star classmates.
sinabi ko sa inyo noon na madami akong alam. pero nirerespeto ko ang tiwala nyo sa akin, hindi ko yun sasabihin sa blog na ito para i-broadcast sa lahat. irerespeto ko kayo, kahit wala na kayong respeto sa akin, kahit na ibinasura nyo na ng paulit-ulit ang tiwala kong ibinibigay sa inyo.
magsama kayo ng camiguin!
sabi ko nga kina criselle sa basilan: "kung sino ang pinaka-galit, sila ang pinaka-nagmamahal..."