Photobucket - Video and Image Hosting

Tuesday, January 31, 2006

happy birthday to me! :)

Image hosting by Photobucket

~ ~ ~

para sa iyo, favorite mo kasi yung song eh.

~ ~ ~

isshouni asobo!

Monday, January 30, 2006

the day i wished time would stop...

sabado. january 28.

isang napakasayang araw. nagising ako ng 930. naligo at umalis. habang nasa jeep, iniisip ko kung anong mangyayari. sabi ko sa sarili ko bahala na. 1030 ako nakarating. hinanap ko muna yung kakainan namin para kapag dumating na sya, alam ko na kung paano yung daan. hinanap ko rin yung papuntang mrt kasi dun kami magmimeet. nakita ko naman. pero maaga pa, nagtext sya sabi nya malelate sya. hay, umasa pa ako. :) upo muna ako sa may fountain.

apir. pagkakita namin yan lang ang nakuha ko, ni hindi ko man lang nakita yung mukha nya ng maayos kasi naglakad na sya agad papuntang escalator. nakakatawa, ang tahimik naming dalawa habang papunta dun sa restaurant. may mga usap pero may mga pause sa pagitan. nung nakarating na kami, order at asaran habang hinihintay ung pagkain.

sa buong buhay dun ko lang ata naranasan kumain ng mabagal. as in like super bagal. nahihiya kasi ako kumain sa harap nya. ang sarap nya tignan habang kumakain, lalo na kapag nahihiya. kasi tinatakpan nya ung mukha nya. hehe. may mga kwento, pero karamihan asaran lang ang barahan.

ang tagal namin kumain, siguro lalagpas ng isat kalahating oras. sobrang busog, syempre hindi lang dahil sa pagkain. haha. tapos lakad onti tapos nood sine.

hindi ako natulog! ganun lang talaga ako manood ng sine,tahimik lang. kasi nagcconcentrate ako. nyehehe.

pagkatapos nung movie, lakad lakad ulit onti. tapos starbucks. ang arte, gusto sa couch umupo. buti na lang dalawa starbucks dun, dun sa isa may couch na bakante.

haaaaaaaaaaaaaay. natunaw ako. hihihi.

pagkatapos, lakad lakad ulit. kulitan. barahan. tawanan. kwentuhan. lipat ng mall, hehe. lakad ulit. sinamahan ako bumili ng battery ng fone ko. lakad ulit. at napagod. haha. kaya upo kami sa bench.....

kailangan nya nang umuwi, naawa naman ako kasi galing pa syang trabaho kaya pagod na pagod na yun. eh lakad pa kami ng lakad buong araw.

ayun, sinamahan ko na sumakay ng bus. hay, sana forever na lang kaming naghihintay ng bus. kaya lang mabilis dumating yung bus eh. kaya ayun.

pagkauwi, text. text ulit. tapos usap kami sa telepono. haaay.

ayun....

~ ~ ~

salamat po sa araw na to.
dahil nakasama ko sya.
sana maulit.

~ ~ ~

wabshu....

~ ~ ~

isshouni asobo!

Thursday, January 26, 2006

sana mag-sabado na...

salamat sayo. :)

salamat din dahil naintindihan mo yung sinabi ko.

di ba? kapag mabilis dumating, baka mabilis din mawala. let's take our time, para mas matagal tayong maging masaya.

hihi.

~ ~ ~

"may sasabihin ako sayo...."

~ ~ ~
isshouni asobo!

Tuesday, January 24, 2006

january 23, madaling araw

nanonood ako ng balita kanina, gusto ko sana magsulat about dun sa pacquiao-pauso ng abs-cbn, pero wag na lang. ill put it this way, kulang yung nilagay nila sa tagline nila! hindi un "galing at tagumpay ng Pilipino" dapat "galing at tagumpay ng MASIPAG na Pilipino." kaya dumadaming squatters sa pilipinas eh, hindi sila naiinspire sa mga success ng ibang tao. kasi feeling nila, since sabi ng abs matagumpay ang Pilipino naturally, babagsak na lang mula sa langit ang tagumpay kahit walang sipag.

hay naku. ayoko nang magalit.

masaya ako eh!

~ ~ ~

"Adik sa’yo”, awit sa akin
nilang sawa na sa aking
mga kwentong marathon
Tungkol sa’yo, at sa ligayang
iyong hatid sa aking buhay
tuloy ang bida sa isipan ko’y ikaw

Sa umaga’t sa gabi sa
bawa’t minutong lumilipas
Hinahanap-hanap kita,
hinahanap-hanap kita
Sa isip at panaginip,
bawa’t pagpihit ng tadhana
Hinahanap-hanap kita

~ ~ ~

Lord, salamat at binigay mo sa akin ang january 23.
Salamat po sa lahat. Lalo na sa pagbigay mo sa kanya sa akin.

~ ~ ~

isshouni asobo!

Saturday, January 21, 2006

hay.

antukin ka. kainis. :P

Thursday, January 19, 2006

tama si ate majo....

para akong gago, nag-alala pa ako ng sobra. nakakaasar.

hindi tuloy ako nakatulog ng matino, napanaginipan ko pa. sabi sa panaginip ko sabi nya nakatulog daw sya kaya hindi sya naka-reply. tapos nagising ako, pagkita ko nagtext nga sya. yun ang sabi nya. waaaah.

ang bobo. ang oa ko talaga.

tama si ate majo..........iyakin talaga ako. at least, pinatulog ako ng iyak.kahit mababaw lang. :">

~ ~ ~

isshouni asobo!

Wednesday, January 18, 2006

sabi ni loglog

"Lord, sa dinamidami ng stars, isa lang po ang hinihingi ko."

~ ~ ~

isshouni asobo!

Tuesday, January 17, 2006

text txtnonstop50 to 2870

hindi ko akalain na gagamitin ko ang promong ito ng globe. hay.
pero dont wanna make kwento muna for now, nakakatamad. :D

tsaka im keeping my emotion light, i mean, ayoko munang masyadong ibuhos ang attention (and feelings) ko kasi baka namimisunderstood ko lang ulit sa bandang huli ang mga nangyayari. (dammit, friendster!).

~ ~ ~

life, be good naman this time. please dont be a b*tch. thanks!

~ ~ ~

isshouni asobo!

Friday, January 13, 2006

musta ka naman, blog?

thousand years since my last post.

fine! tutal, madalas naman akong nakaharap sa computer. might as well.

~ ~ ~

anne: hintayin mo lang, darating din yan sayo
sino pa ba?: ngek, maghihintay ako tapos sa bandang huli ire-reject lang ulit ako
anne: hintayin mo pero syempre dapat bukas ka pa rin sa iba
sino pa ba?: bukas nga, wala namang gustong kumatok

~ ~ ~

i need to find work............fast? no, not really.