Photobucket - Video and Image Hosting

Monday, June 27, 2005

3 dimensional loser!

Image hosted by Photobucket.com

Ganda ng episode ng naruto ngayon!!!!!!!!

as in super super super super ganda! buti na lang hindi ako nagstay nang masyadong matagal sa skul.

~ ~ ~

entry title care of Yoanna Mae Sarigan

~ ~ ~

isshouni asobo!


Friday, June 24, 2005

masabi lang...

hay, nakakatamad kumilos pero kailangan.

nakakatawa, nakita ko yung mga picture namin sa plaridell nung second year pa ako. parang ang saya-saya. naging ganun pala ang buhay ko sa lasalle. hehe. napag-usapan kasi namin noon (nakalimutan ko na kung sino yung kausap ko) na parang ang bilis ng panahon. parang kelan lang frosh ako. ngayon, ikalimang taon ko na sa pamantasan. AMP! pero sa binilis na iyon ng panahon, marami pala ang nangyari. maraming marami. at, galing kay ate lea, sabay-sabay tayo! HAAAAY..."

~ ~ ~

isshouni asobo!

Thursday, June 02, 2005

pasaway ang tables. amp!






dami nangyari ngayon. masasaya syempre. pero hindi super saya.

masaya dahil napuri ni sir yung assignment ko. kahit na alam kong bara-bara lang yun, sabi nya ok daw. kaya ko naman daw, astig! wahehe.

masaya dahil chikahan galore ulet kami ni marla kanina kaya lang nawala yung pera nya. absent minded kasi.

masaya dahil kahit papaano parang nagkakaroon na ng linaw ang thesis ko. pero hindi ko pa rin sinisimulan. hay.

masaya dahil pupunta kami nila ck sa birthday ni cha. nakakatouch kasi inivite nya ako (well, feeling ko kasi sinabihan nila ako nung umakyat ako ng office na invited daw ako). kasama ko na naman sila, sana lang hindi ako ma-op sa mga pagkkwentuhan nila. T_T

masaya dahil umakyat ako ng office nang wala nang anumang chuvang pag-iinarte. XD

~ ~ ~

akala ko hindi na matutuloy ang pagtatapon sa mga logbuk. tuloy pa rin pala sabi ni winkle. yun nga lang after 5 years pa daw. so ganun din. wala lang, parang since dapat laging umusad ang buhay, babay na sa nakaraan dahil pasikip lang yan sa opisina. babay sa mga logbuk ang chika nila ngayon doon. parang yung mga past na editor at kasapi ay hanggang doon na lang sa staff box ng mga lumang dyaryo sa archives. hanggang pangalan na lang sila.

desisyon nila yun eh.

~ ~ ~

ang cute ni neji at tsaka ni hinata nung maliit pa. kaya lang nung lumaki sila, naging magkaaway sila, sadness.

~ ~ ~

kainis yung table, may malaki tuloy space between dun sa title ng entry ko tsaka dun sa entry mismo. kaasar.

~ ~ ~
ishouni asobo!
Image hosted by Photobucket.com

Wednesday, June 01, 2005

thesis power! yaaah!

kanina...







first meeting ng special class ko sa asiphil. la lang. asar yung pinapabasa sa aking book. nasa lib nga bawal namang hiramin, lasal press daw kasi.

tapos nung u-break, may thesis writing seminar. ang saya, para nabuhay yung drive kong gumawa ng thesis kasi ngayon alam ko na kung paano. hay.

kanina rin, magkasama kami ni marla. after so many years! nagkakwentuhan ulet kami. kaklase ko sa majors si marla. actually tatlo kami, si mheeki yung isa. eh graduate na siya. si marla dapat kasabay nya kaya lang itong si iha, hindi gumawa ng thesis last term kaya na-delay. kami yung tatlong "cool" sa philo majors, kasi yung iba geeky eh. hehe. yeah! were the cool pips!

~ ~ ~

kainis ang mga palabas ngayon (anime), lakas mambitin. wala lang. dali-dali pa naman akong umuwi, hindi pa pala ngayon ang climax ng naruto. amp!

~ ~ ~

naalala ko ang sinabi ni rc dati sa akin, sabi nya nakakatamad daw basahin ang blog ko (noon) kasi mahahaba yung entry. eh madami ako gusto sabihin eh. ano mas maganda basahin? yung mahaba o maikli? para sa akin, nakakatamad basahin yung mga pang-academics. pero pag buhay ng ibang tao, ok lang. hehe. (lalo na pag nababanggit ako, nyehehehe).

~ ~ ~

nakita ko si mona sa mcdo kanina. wala lang, namiss ko sila bigla.

~ ~ ~

waaah! adik pa rin sa saiyuki!
lalo na si son goku! (on the right)

~ ~ ~

ishouni asobo!
Image hosted by Photobucket.com