Photobucket - Video and Image Hosting

Tuesday, May 30, 2006

humayo ka't makipaglandian

430am - umasa pa ako dadating si winkle on time. kaya ayun, nakatunganga ako sa 711 habang nakikita ang isang bystander na naka-bonnet at naka-shades (kahit madilim pa noon dahil madaling araw pa rin) na nakikipagchikahan sa isa pang bystander at kahawig ni kuya hector and naka-bonnet.
530am - dumating si winkle. nalaman ko na si kuya hector nga ang nakatambay sa labas.
550am - nakarating kami sa harap ng PRC. nakatambay. habang ako'y naiihi na. buti na lang bukas ang chowking ng mga 715.
800am - nagbukas ang gate ng PRC. leche ang mga bystander sa kabilang kalye, nakipagsiksikan sa harap.at kami namang mga nakalusot na sa guard, takbo pataas sa 5th floor para kumuha ng application form. imagine mcdo mcnuggets commercial kaya lang pataas sa stairs. parang ganun. nakakatawa.
800am to 3pm - oras ng paghihirap. hell on earth. puro singitan. sweaty bodies. 10peso-pamaypay power. overpricing of government items. misbehaving FEU students. revelation na wala palang scanner ang UST. at init ng ulo. basta, i swear to God! ang init! nakalimutan ko pa magdala ng extra shirt.

pagkatapos nun ay kumain kami ni winks sa dencio's araneta at umuwi na. achuli, nagpunta pa ako ng megamall at nagpakapagod further dahil sa pamimili ng medyas, panyo at iba pa.

~ ~ ~

tangina! reality check: 1st quarter pa lang ang natatapos ko sa plantilla. at wala pa ako medical certificate. wala na rin akong pera. kailangan ko nang humingi kay mother.
may pupuntahan pa naman ako sa weekend. sana siputin ako this time.
ayon nga kay doctora...
"humayo ka't makipaglandian. but be on your guard."

hay. sana may future. kaya lang another hottie. im afraid of hotties. di ba, mitzelle? hahaha. shems.

~ ~ ~

isshouni asobo!

Monday, May 29, 2006

galit. poot. pagod.

hay naku! ang mga bagay na pumpe-pressure sa akin ay pressure pa rin.
1.) lecheng plantilla! hanggang ngayon hindi pa rin ako tapos!
2.) medical certificate! wala pa rin ako. sabi may daw dapat meron na. natatakot ako kunan ng dugo. huhuhu.
3.) the fact na hindi na ako titira sa amin. wah. pero gusto ko rin naman lumiban muna, pero ang hirap ng titirahan ko eh. nakakahiya kay lola. :))

basta!

~ ~ ~

kailangan kong i-meet si winkle sa 7-11 sa may la salle ng 5am! OMG! kainis talaga ang government offices!! wala na ngang sistema, hindi pa aircon ang opisina. hate is such a strong word, so i'll use it on you.
sa mga ganitong panahon, nagagalit ako sa pilipinas. at sasabayan pa ng kapalpakan ng LRT. kung kelan init na init na ako sa panahon, puro maiikling tren ang dumadaan. yung tipong nung 1980's pa pinagawa na kasabay nung pagbubukas ng LRT. yung mga tren na pang populasyon lang ng pilipinas nung mga panahon na yun! basta, nakakagalit ang pilipinas.

~ ~ ~

nakakapagod maglakad sa MOA (mall of asia, hindi memorandum of agreement). haha.

Sunday, May 21, 2006

ultimate pressure

wah!
malapit na magpasukan. malapit na rin magtrabaho. actually, mejo nagsstart na rin ako sa seton. pero parang sobrang ngayon pa lang, feeling ko nasestress na ako. sheeet!
pressure kasi ang work, pressure pati yung lecheng LET na yan.

aaah! hindi bagay ang maraming gagawin para sa isang tamad na tulad ko!

~ ~ ~
im so pressured!

Friday, May 12, 2006

the day i was reminded that...

... i hate the weather!
kung kailan hindi kailangan ng ulan, saka umulan. peste. kung kelan may kailangan akong puntahan at mag-abang ng masasakyan sa isang lugar na walang bubong saka naman uulan. shet talaga.

...i hate taxi drivers!
sa iilang beses na sumasakay ako ng taxi, mabibilang ko lang ang mgg driver na naging mabait sa akin. shet sila. tangina, dapat hinuhuli yung mga maarte at ayaw magsakay. kung kelan umuulan, saka naman sila nagdadamot. kaya hindi umaasenso buhay niyo dahil maaarte kayo, tangina nyong mga driver kayo. sana manatili kayong squatters forever at ang sunod nyong pasahero ay holdaper.

...i hate glorietta!
tae! kaya ayoko ng nagpupunta dun eh. hindi ko nakabisado EVER ang pasikut-sikot sa lugar na yun. nahirapan ako sumakay ng taxi dahil hindi ko alam kung saan ang maraming dumadaan. nagpaulan ako dahil kailangan kong tumawid from one building to another. at nahirapan akong hanapin ang sakayan ng bus pauwi when i finally gave up on the taxis. grrr!

...may "barkada" ba?
ewan. sensitive issue. pero naman, kaya ako pupunta ng harbor square dahil gusto ko tumoma. yun na lang eh, la na ako pake kung sino kasama basta malasing lang. i need booze! shet, kahit hindi talaga ako kailangan dun sa crowd. basta makainom lang kasama ang mga pakawalang tao, go na! haha.

...binabasa pala "niya" ang blog ko!
omg! buti na lang hindi ako nagrarant dito tungkol sa kanya. haha. pero hindi naman ako nagrant ever eh. tsaka ang tagal na nun. utang na loob!

...yesterday gave me hell on Earth!

~ ~ ~
isshouni asobo!

Friday, May 05, 2006

rule number 1

ang sakit ng mga mata. gusto ko pang matulog. kasi naman, nagpunta dito sila del, jemar, yoanna, cess, ck, wawi, harold, chris at jun. dumayo pa ng pasig sa ngalan ng toma hahaha.

kasi raw, dapat ang intention ng gathering na ito ay isang seryosong usapan. pero may mga, "pare, pagkatapos nito, yosi muna 'tayo' sa labas." pero hindi ko rin naman sila masisisi kasi kami meron ding "ayun, dun ka muna. may pinaguusapan kami."

aargh. basta nakakainis. nung bandang huli, may mga chika pang "ano ang rule number 1 ng 'barkada'?" BARKADA? so barkada tayo. ganito ba yun? bakit parang ambabaw ng samahan tapos barkada agad. ni hindi ko nga kilala ng lubusan ang karamihan sa mga taong kasama ko eh.

nakakaiyak. promise. gusto kong umiyak. natatakot na akong umiyak sa harap nila kasi....ewan. may something. pero handa naman akong sasbihin ang lahat ng gusto nilang malaman. kahit na alam kong magbabago sila, lalo na siya, kapag nalaman nila. yung treatment, magbabago.

ang rule number 1: "walang taluhan sa barkada...." oo nga. sige na, sige na. kaya nga inuubos ko na kung anong meron akong gusto sa kanya eh. kamuntik pa nga mabuksan yung secret folder ko. tae. alam ko na tuloy ang feeling ng "run for your life" at "ctrl+alt+delete for your life."

leche talaga. pero kung may chance man na ibibigay sa akin. at alam kong tama ang moment. sasabihin ko naman eh. para matapos na. tsaka malay mo, baka mamatay na ng tuluyan kung ano mang pagkagusto ang meron ako sa kanya. tangina, pag nasa dagat kasi eh napaka-hot nya. leche. yun pala, pag nasa dagat lang. hindi na masyado kapag nasa syudad na. hahaha.

~ ~ ~

isshouni asobo!