nafifeel ko na nagreresume na ang mga bisyo ko. hehe.
ang saya! nasimulan ko na rin ang bagong kong character sa ragnarok. hehe. wala lang. kahit hanggang ngayon sira pa rin ang webiste ng level up games, nasimulan ko na siya. level 36 na siya ngayon. wala lang. pero parang nanghihinayang ako dun sa hunter ko. konti na lang yun iilaw na. pero nakakabagot kasi talaga syang laruin eh.
nag-change na ako into merchant. kanina.~ ~ ~
bati na kami ng kapatid ko. para ngang wala lang. pero ganun naman kaming dalawa eh. pag nag-aaway kami, yung pagbabati namin, mag-uusap na lang kami na parang walang nangyari. pero at least ok na. kasi feeling ko kaya ang daming masasamang nangyayari sa buhay ko dahil sa karma. matagal-tagal din kasi kaming hindi nagpapansinan eh. hehe.
~ ~ ~
ang ganda ng episode kanina ng naruto. (plug:palabas sya sa abs kada 530 ng hapon). kaya lang hindi sya nagustuha ng kapatid ko kasi dami daw daldal pero walang kwento. basta maganda siya para sa akin.
may dalawang character kasi dun, si sakura (pink haired) at si ino (beige haired). kasi nasa parang tournament battle sila. tapos sila na yung magkaharap. tapos nagreminisce si sakura tungkol sa kanila ni ino. bestfriends pala sila nung maliit pa sila. tapos si ino yung laging nagtatanggol kay sakura kasi inaapi ng mga kalaro nila si sakura dahil malaki daw noo nya.
tapos sabi ni sakura naiinggit siya kay ino kasi magaling na sya. tsaka nung time na un, andun sila sa parang flower field. eh parang field work nila sa school na mangolekta ng flowers at i-arrange for presentation. tapos sabi ni sakura na parang nagsasapawan daw ang kagandahan ng mga bulaklak kapag pinagtatabi sila. sabi naman ni ino, since magaling sya sa mga ganun, hindi daw ganun yun kasi may mga flowers na nagsusupport sa kagandahan nung main flower. in short, hindi mabubuhay yung isa kapag wala yung other.
tapos sabi ni sakura na baka sya yung display tapos si ino ung pinaka-main attraction.
sabi ni ino sa kanya, hindi pa kasi siya nagbbloom. kumbaga flower bud pa lang si sakura kaya dadating yung time na magbbloom siya.
so after nung flashback, dun sa labanan nila, papatunayan na ni sakura na hindi na sya magpapatalo sa laban.
wala lang. natuwa ako dun sa story ni sakura at ino. so far kasi sa series ipinapakita na rivals sila. once pala sa buhay nila naging friends sila. eh si sakura pa naman, palaban yung personality nya dun sa series. hindi ko akalain na once sa buhay nya naging reliant pala siya sa ibang tao specifically dun sa rival nya.
ino and sakura in their flashback scene.

name:







0 Comments:
Post a Comment
<< Home