Photobucket - Video and Image Hosting

Tuesday, May 03, 2005

huli na ito. ayoko nang magsayang ng blog entries.

note: not exact words. failed to save text file. writing from memory only. author's memory: rotten.

mercury: hindi ko sasabihing ok lang yan
mercury: kasi alam kong hindi ka ok
mercury: ang masasabi ko lang...marami pang ibang isda dyan so go get you fishing rod and fish
mercury: pero alam ko namang sa dinamidami ng tilapia sa tubig, bangus pa rin ang hahanap-hanapin mo di ba?
mercury: bangusa pa rin ba ang gusto mo?
venus: oo
venus: eh pano kapag ang bangus na ang kusang lumalayo sa akin?
mercury: wala na tayong magagawa dyan
mercury: alam kong bangus pa rin ang gusto mo pero tulad nga ng sinabi ko, marami pang ibang isda dyan sa tabi-tabi. malay mo makakita ka ng ibang mas ok kaysa dun sa bangus. o kaya naman makakita ka ng isang mas ok na bangus kaysa dun sa lumayo sayo. kailangan mo lang maghintay. dadating din yan. wag mo madaliin.

~ ~ ~

alam kong SUPER JOLOGS nitong song pero ito na siguro ang gagawin kong closure ng part na ito ng buhay ko. oras na siguro para harapin ang mas malaking intindihin sa buhay ko (aka thesis, academics at pag-graduate).

para sa iyo to. salamat dahil ipinamukha mo na immature pa rin ako at hindi na ako natuto sa tuwing nangyayari ang ganito sa buhay ko. salamat din dahil nakita ko ang mga tunay ko kaibigan dahil sayo. hindi ako galit sayo, ayaw lang kitang makita.

kahit sandali

bakit ba
hindi ko mapigilan ang
nadarama ng puso
kahit pa
alam kong meron kang iba
hindi pa rin magbabago
ang damdamin ko

kaya kong ialay ang lahat sayo
kahit ako'y 'di mo gusto
nais lang na minsa'y makapiling ka
at minsa'y madama na akin

chorus:
kahit sandali
pag-ibig mo sana'y
maramdaman man lang
mayakap ako
at mahagkan kahit
'di mo mahal
ang pag-ibig ko'y sa'yo lamang

'di ako
aasa at maghihintay
sa pag-ibig ng tulad mo
tama na, na minsa'y nakapiling ka
at nadama ang init ng pagmamahal mo

kaya kong ialay ang lahat sayo
kahit ako'y 'di mo gusto
nais lang, na minsa'y makapiling ka
at minsa'y madama na akin


***babay!***

~ ~ ~

change topic. (for good)

napanaginipan ko kagabi na nagalit si albert sa akin (yung editor ko sa green and white). kasi may parang party ata or something sa isang bahay. puro green and white yung kasama ko. tapos nakaupo daw si albert sa may parang terrace, katabi nya si kris and other people. pero yung terrace naabot yung lupa na inooverlook nito. i mean kung andun ka sa baba, pwede mong i-reach yung paang naka-dangle nung person na nakaupo sa terrace. eh ganun daw yung ginawa ko kay albert, tinulak ko siya tapos natumba sya, nauntog ata sya dun sa floor nung veranda. tapos nagtawanan lahat. basta naaalala ko andun si miatch sa likod tapos kaming dalawa yung nagtitinginan at humahalakhak. tapos tumakbo daw ako, ginantihan kasi ako ni albert eh. nakaganti sya tapos hindi na kami nagpapansinan. tapos hanggang sa magtrabaho sa cover hindi nya pa rin ako pinapansin. tapos hindi ko na alam kung ano yungn nangyari sunod kasi nagising na ako.

ano ba yan! bakit si albert na naman ang napanaginipan ko! STOP HAUNTING MY DREAMS, BERTO!

:P

5 Comments:

Blogger wenk. said...

HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHA!!!

touched naman ako kahit papaano, nasasama ako sa dreams mo... kahit extra lang ako! haahahah! i knew it! masama talaga ugali nyo ni miatch! tsk tsk tsk!!!

8:45 PM  
Blogger peter said...

@ wenk
hehe. hindi noh! baka it shows lang un talaga ang ugali namin sa kanya kahit sa panaginip. hehe.

10:32 PM  
Blogger wenk. said...

des>>tampo ako wala sa dream mo!!! hahhaha..sana naman magbati kayo bago magcover!!

4:39 PM  
Blogger peter said...

@des c/o wenk

wah! sorry. next tym hahanapin na kita sa dream ko para andun ka.
:D

6:06 PM  
Blogger toni cuesta said...

hay...

12:47 AM  

Post a Comment

<< Home