Photobucket - Video and Image Hosting

Tuesday, April 26, 2005

wala kang karapatan

ang gulo ng gabi ko kagabi. kala ko kunwa-kunwarian lang ang mga dapat mangyari pero nafi-feel ko na nagkakatotohanan na. pero mukhang totoo na nga ang nangyayari.

~ ~ ~

sa iilang mga na-post ko sa blog na ito, mainly ang sinasabi ko ay tungkol sa pagiging bitter and hirap sa pag-let-go (sa position sa plaridel.) siguro kaya hindi ko maiwasang hindi ito ang laging saloobin ko dahil mahal ko ang plaridel. mula 1st year pa lang ako, dito ko na iginugol ang buong buhay kolehiyo ko. masasabi ko na sigurong dito na ako lumaki, dito na rin nag-develop ang kung ano mang talent meron ako. syempre pati na rin siguro ang development ng pagkatao ko, naapektuhan na ng mga taga-plaridel.

sinasabi nga na ang tao ay isang social being, and since ang plaridel ang aking social life sa la salle buhay ko na ang plaridel. kaya mahirap sa akin ang iwan ang plaridel. hindi naman sa aalis na ako, pero parang ako ang pinaalis ng plaridel.

pero ang malaking tanong dito....may karapatan ba akong magdamdam?

unang una, matagal na yung panahon nung naging editor ako. 2 years na to be exact. so dapat by now, nag-heal na ang kung anong tampo at bitterness meron ako sa plaridel. pero tulad nga ng sinabi ni ate macri sa akin kahapon ".....it takes half the time you stayed together for you to heal..." medyo malabo yung english basta paki-intindi na lang. XD.

anyway, fourth year na ako. mula first year nasa plaridel na ako. at magfi-fifth year pa ako sa next school year sa organisasyong ito. so it would take 2 1/2 years bago ako mag-heal? mukhang hindi tama. as a "mature" person dapat matuto akong tanggapin ang mga bagay-bagay sa mundo at mag-let go.

hay nako! kaya ayokong maging mature! andaming dapat gawin, andaming expectation sayo ang ibang tao. LECHE!

~ ~ ~

wala talaga akong karapatan! siguro nahahawa lang ako dun sa mga outgoing eb. para kasi akong sponge, naaabsorb ko ung feelings ng mga tao. kaya ayoko sumama sa mga taong badtrip at naka-simangot. naainis din ako. pero minsan, wala akong magagawa. sila yung mga taong gusto kong samahan, gusto ko yung company nila. so kahit wala sila sa mood, go pa rin ako. lilipas naman yan, malilibang din yan. ganyan naman sa plaridel, sa una dama mo pa yung hirap ng buhay pero the next minute magtatawanan na at magbabarahan na.

~ ~ ~

syempre, nanood pa ako ng sine kagabi. eh kinabukasan yearend namin sa green and white. medyo 1030 ng gabi na ako nakauwi di ba? eh hindi pa ako nag-iimpake. at hindi pa masyadong gumagaling ang ubot sipon ko so medyo ayaw pa ako payagan. pero gusto ko eh, bahala na kung lumala ang sakit ko. gusto kong mag-swimming! gusto kong maarawan!.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home