Photobucket - Video and Image Hosting

Sunday, April 24, 2005

hating kapatid...

hay! magkaaway kami ng kapatid ko. naninigaw kasi eh! amputek! sinigawan ba naman ako habang nasa computer shop kami! nagpapa-boost (ragnarok jargon) kasi ako sa kanya, eh ayaw nya magpunta dahil puro chat siya dun sa mga kasama niya. (oo, pwede mag-chat sa ragnarok).

yaan mo siya. mataas pride ko.

~ ~ ~

ang ganda ng moon kanina. full moon. nakita ko sya kanina habang nasa tricycle ako nung bumili ako ng internet card. ang ganda nya swear, ang laki tapos color orange. cge fine! scary pero maganda pa rin. more of the maganda nevertheless scary. labo...

~ ~ ~

ang saya-saya!marunong na akong kumalikot ng html template ng blog. in fairness ang hirap nya aralin huh!

~ ~ ~

told a friend about a super secret. kala ko hindi ko magugustuhan reaction nya. pero ang problema...wala sya ni-react! wala. as in bato. manhid. pero ok lang. sabi nya mapagkakatiwalaan naman daw sya. and i know that he is. tried and tested kumbaga. pero sa ibang bagay.

in fairness, natuwa ako sa kanya kasi sabi nya before ko sabihin ung thing ko tambakan naman daw sya ng secrets so go lang daw sa pagsabi. na-touch ako, (as well as amazed) kasi ung isa ring person na pinagsabihan ko ganun din ung perception sa kanya ng ibang tao. wala lang. ang cute. ang pinaka-cute pa dyan, they have "feelings" for each other. eh di parang astig. compatible ang chika.

~ ~ ~

gusto kong umalis ng bahay! buti na lang may yearend seminar / outing ang green and white sa tuesday. excited na ako!

yung green and white, isa ko pang org sa la salle. sumali ako dito nitong school year lang. isa siyang yearbook publication. pag staff ka libre ang yearbook mo. isa ito sa mga reason ko sa pagsali, syempre aside dun sa fact na gusto ko ng wide network of amigos and amigas. kasama rin sa mga reasons ko ay dahil gusto ko ng diversion sa paglelet-go. (to see story about letting-go and bitterness, refer to previous post). ayun, so dito ako sumali para mawala ung attention ko dun sa letting-go/bitterness thing. tsaka may iba akong pupuntahang opisina kapag wala akong matambayan. pero mali pa rin eh, wrong move ako. kasi naman magkatabi lang ng opisina sa plaridel. divider lang ang pagitan, which is a one inch plywood and covers only half of the room (halfway from floor to roof). pero hindi ako nagsisisi na sumali ako dun. sobrang appreciated nila kung ano meron ako, tsaka friendly sila sobra! medyo may pagka-inglisera't inglisero ang mga tao pero ok lang. at least mapapa-practice english grammar ko. bwahaha.

~ ~ ~

pupunta ng galera ang blockmate ko sometime in may! shet gusto ko sumama! first time! kaya lang ala ako pera. 1500 kasi ang budget para makapunta dun. sana lang mabayaran ako ni winkle nung utang nya para makasama ako. pero nung isang araw, tumawag si yeye, yung isa ko pang blockmate. mataray, patawag tawag na lang sa cellphone. career woman na kasi. anyway, ayun nga. sabi nya sumama daw ako kasi pag hindi ako sumama hindi na rin sya pupunta. eh sabi ko nga wala akong pera. sabi nya papautangin nya raw ako pag pumunta ako. so medyo tumaas ung chance na makakapunta ako. sana talaga makapunta ako. hindi pa ako nagpapaalam sa magulang ko kasi nga may lakad pa ako with green and white sa tuesday. baka hindi pa ako payagan. tsaka isa pang factor na hindi ako payagan ay dahil hindi pa rin gumagaling ang sipon at ubo ko hanggang ngayon.

nung tinawagan ako ni yeye, na-realize ko na namimiss ko na siya. siya lagi ung kasama ko nung first year hanggang second year college. tsaka sobrang tatag na ng friendship namin, nung first year kasi every term ata kami nag-aaway. childish away pero nagkakabati pa rin. sobrang love ko tong si yeye. miss na kita, ye!

~ ~ ~

panaginip ko kagabi:
may pagka-horror kasi nasa parang isang room daw kami na mahirap puntahan. tapos may nagvvoice-over na parang horror nga. tapos may bintana sa tabi ko. sabin nung voice na parang may something sa bintana pero nung lumingon ako dun bigla nawala ung scene. parang nagbago. pero hindi naman ako nawarla. kasi yung scene after nun ok na. nakababa na ako galing dun sa room na yun. tapos nagkakainan na yung mga iba kong kasama na according to my dream ay mga taga-plaridel. basta parang may mga kubo-kubo na yellow yung lights. magaganda yung kubo. padilim na tapos nag-di-dinner ang mga tao. may tumatawag sa akin para sumama sa kanila mag-dinner. pero parang sa sarili ko, yung nangyari before dun sa room intro lang yun na mangyayari. pero masaya yung sunod na mangyayari. kaya nga naiinis ako bakit yung intro hiwa-hiwalay kami tapos in the end pala magsasama-sama rin.

tapos bago pala yun, nung bago ako pumunta dun sa room na yun. nagpapasama ako kay sir jowell na pumunta dun sa room na yun dahil hindi ko nga alam kung paano pumunta. yung room kasi na yun nasa itaas ng isang building. nagpapasama ako kay sir jowell sa mga elevator. marami kasing elevator na dadaanan bago makarating dun sa room na yun. basta, kinukulit ko daw si sir jowell kasi ayaw nya. pero napilit ko din. onga pala, si sir jowell yung critique teacher/mentor ko sa seton noon. nung practicum days ko. wala lang. ewan ko kung bakit sya yung nakasama dun sa panaginip ko. eto yung pic nya.

Image hosted by Photobucket.com onga pala, atenista tong si sir jowell. pero nage-get along naman kami. pero syempre hindi maiiwasan ang rivalry jokes. hehe.

labo ng panaginip ko no. hehe. :D

0 Comments:

Post a Comment

<< Home