Photobucket - Video and Image Hosting

Wednesday, May 04, 2005

the OTHERS club

akala ko nawawala yung isang cdn ung anime ko. akala ko kasi 4 cds sya. so akala ko wala nang kwenta ung cd dahil nga 4 cds yun, eh ung last cd yung akala kong nawala so walang kwenta yung buong anime kung wala yung ending. itinambak ko lang kasi siya pagkatpos kong pagsawaan. tapos nakita ko sya one day na tatlo na lang so hindi ko na siya pinansin. eh kanina gusto ko sanang mag-reminisce nung mga anime so tyinaga ko na lang na panoorin kahit wala yung last. tapos nakita ko na TATLONG CD LANG PALA TALAGA SYA! takte! the whole time akala ko apat yun. so natuwa ako dahil hindi pala sya apat.
para akong tanga, naghahanap ako sa wala. sabi ko kasi pag nagkaroon na lang ulit ng ganon sa UM, bibilhin ko na lang yung last cd. pero kung nagkataon pala, wala akong bibilhin dahil there never was a fourth cd after all.

Image hosted by Photobucket.com eto yung poster nung anime na sinasabi ko.

~ ~ ~

nakakatuwa. kagabi kasi naka-conference ko kasi ang mga tage-plaridel sa ym. at second tym lang itong nangyari sa akin. kasi nung first time, kami lang ni chris at ni cy ang magkakasama. at tsaka nagccopy past lang kami ng lyrics ng mga kanta depende dun sa topic na pinagkkwentuhan namin.basta walang kwents. pero yung kagabi ok kasi madami kami.
nakakatuwa kasi nung una sila sila lang yung nag-uusap. yung parang ano pang point ng pagcoconference kung kayu-kayo lang pala ang maguusap-usap. pero in the end, ok na rin kasi nagamit yung purpose ng conference.
nakakatawa si yoa, inaasar ko kasi siya. na others lang ako sa kanya. nagsimula kasi ito nung yearend. si chris kasi, nung nagpasalamat siya sa kandila hindi nya na-special mention si yoanna. nagatatampo daw sya kay chris kasi nung nabanggit yung name nya kasama lang yun others. parang "...salamat pala kay yoanna and others." parang ganun. basta! nakakatuwa si yoanna kasi naaasar siya. sana lang hindi dumating yung panahon na malaspag yung pangaasar kasi korny na kapag hindi nagrereact yung inaasar eh.
pero kung titignan yung totoo, hindi naman talaga kami close ni yoa or kahit nung mga ka-batch nila sa plaridel. eh mga bago kasi sila. batch nila yun so hindi na nakakagulat kung sila-sila yung mga magkaka-vibes. tsaka sabi nga ni kuya mau, new blood sila ng plaridel. sila ang magpapatuloy. kami, luma na. kumbaga out with old, in with the new. hay. buhay talaga, kailangan mag-move on lagi. kungdi mabubulok ka. walang mangyayari sa buhay mo. pero hindi naman kailangang close in order for you to have fun. hindi kailangan na you share secrets para magtawanan kayo. ang mahalaga, friends kayo kahit in a shallow way. masaya pa rin. di ba? DI BA?! :P

~ ~ ~
hindi ako makapagragnarok! grr! hindi ako makapagchange password kaya hindi ako makapasok. hindi ko na sasabihin kung bakit kasi baka may GM na makabasa (mahirap na). ayun basta, gusto ko sana gumawa ng bagong character. kasi nagsasawa na ako dun sa hunter ko. kahit na 98 na yun at isa na lang ay iilaw na ako, nagsasawa na ako. wala nang thrill. but no! ayaw ata ng mundo na gumawa ako ng bagong character. kasi nung isang beses din, sabi ko pag bukas yung computer shop na pinaglalaruan ko gagawin ko na. pero sarado. ayaw ng tadhan. hmp talaga! ah basta, gagawa ako. tsaka gusto ko na kasi gamitin yung name dun sa anime na napanood ko. dun nga sa akala ko may fourth cd. meron kasi silang play doon, tapos yung pangalan nung play "benitokage." rewd lizard daw yung ibig sabihin sabi nung subtitle. sya kasi yung kontrabida, parang sindikato tapos yung girl na benitokage yung reyna/leader nila. wala lang, tsaka ang sarap banggitin. :P

Image hosted by Photobucket.com
cute version ng blacksmith (female tsaka male).

Image hosted by Photobucket.com
asitg version.

Image hosted by Photobucket.com
sumire kanzaki as benitokage

0 Comments:

Post a Comment

<< Home