Photobucket - Video and Image Hosting

Thursday, April 21, 2005

first time..

nakiki-uso. madami nagbblog kaya eto na rin ako.

~ ~ ~

haay, andaming nangyayari sa buhay. buti na lang may blog para paglabasan ng sama ng loob. kaya lang nakakahiya din kasi parang bino-broadcast mo sa madla ang gusto mong sabihin. pero sigurado ako na hindi lahat masasabi dahil may ibang hindi makakaintindi...

~ ~ ~

may mga taong natutuwa kapag napagsasabihan ng problema. lalo na kapag ang problemang sinasabi ay napakasensitibo. buti na lang may mga taong nakakaintindi. at masasabi mo talagang kaibigan dahil pinatunayan ny anung sinabi nya na "andito lang ako para sayo."
kaya lang minsan nakakahiya na, lalo pag sobrang tagal nyo nang nagkekwentuhan tungkol dun sa problema mo. parang ang selfish,puro na lang tungkol sa akin. puro na lang ako. pero sabi nya ok lang. eh mabigat talaga nararamdaman ko kaya hindi ko rin mapigilan ang sarili sa pagkukwento. basta salamat na lang.

~ ~ ~

mahirap pala magsaya nang may alalahaning natitira. may tatlong subject na lang ako bago maka-graduate. isang thesis at dalawang iba pa. tutal ang thesis ay lagi naman inooffer, ung dalawa na lang ang problema ko. ung isa ayos na, yung isa na lang ang problema. hindi ko kasi mahanap yung professor ko dun. special class kasi ung dalawang un. nung isang linggo lagi ko sya hinahanap sa department para mapapirmahan ung papeles. pero hindi ko siya nakita. kayat nagpunta ako sa yearend teambuilding ng plaridel nang may alalahanin. at hanggang ngayong problema parin sya para sa akin. asar talaga.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home