sugarol ako. haha.
right now...
im feeling super guilty. i feel that im the super selfish person in the world. kasi naman, i've promised someone that i will be doing something that will contribute to his thesis. but due to reasons that words cannot explain, naiwan ko siya sa ere. nasimulan na namin eh, kahit iilang pages pa lang yun at least may nasimulan na. tapos biglang... "babay! iiwan muna kita kasi i dont feel so good and im a selfish a**h*le!" i really feel bad about it. and i even texted him to tell this, and i was glad that he understood what i felt (although i didnt tell him the reason). parang mixed emotions, masaya at the same time guilty. masaya dahil i never thought that this person would be THAT understanding. para sa akin kasi kandidate siya for a psychotic person (in a funny/entertaining way) in some aspects. guilty dahil nga iniwan ko sya sa ere. hay nakoooo!
pasensya ka na ck. alam kong pinaasa kita. buti na lang hindi ka nagalit sa akin. kung alam mo lang, sobrang naiinis ako sa sarili ko habang sinusulat ko ito. kakatapos ko lang kasi basahin yng last text mo at kasesend ko lang nung akin. promise talaga, ill make it up to you. salamat for being uber enderstanding! the best ka!
~ ~ ~
a while ago...
nag-bingo kami ni winkle, minat at chay. ang saya nyang experience. hindi ko inakalang mabilis na dadaan ang oras. andaming nasayang na pera dahil sa sugal pero masaya. sa bawat game kasi parang iniisip na agad namin kung paano namin gagastusin yung prize money if ever we complete the pattern. eh 17th ball na nga, aapat pa lang yung namamark namin sa card. eh blackout yun, so asa di ba? basta ang saya. kahit na losers kami, masaya pa rin dahil tawanan. at ingay namin, kasi nga nagtatalo kami kung tigwa-100 thousand ba yung balato kung isa sa amin ang mananalo nung 2.4 million o hahatiin ba namin sa apat. kaya lang yung portion na yun nung game ay link game. meaning, televised yung bubunutin na numbers sa sta. lucia branch tsaka sa sm city north. kumbaga, hindi lang yung mga nasa megamall yung kalaban namin, kasama na rin yung nandun sa nasabi kong lugar. so parang kalaban namin ang buong NCR (more or less). di ba? eh nung mga andun nga lang sa megamall yung kalaban, hindi kami manalo how much more kung buong NCR na! kainis pero more of masaya. basta masaya talaga.
~ ~ ~
lately, parang dun sa mga lugar na naging masaya ako. naiisip ko lagi na "...paano kaya kung yung mga taga-plaridel ang kasama ko dito. siguro masaya din (o baka maging masaya pa). tulad kanina sa bingo-han. parang ang saya siguro kung yung isang buong table puro taga-plaridel yung andun tapos nag-iingay lahat.
pati din dun sa place nung yearend ng green and white. its not i did not have fun with them, may ibat ibang klase lang ng fun when youre with differen kind of people. syempre yung fun na ito, hindi comparable kasi iba talaga. so nung yearend ng gnw sa pranjetto, naisip ko na siguro masaya din kung yung mga taga-plaridel ang kasama ko dun. kasi ang ganda nung place, presko tsaka yung pool maganda tsaka masarap paliguan. siguro yung mga poolmates ko mag-eenjoy na magswimming dun. kasi malaki yung pool so kahit madaming tao keri lang. ayaw pa naman ng poolmates ko ng madaming tao sa pool kasi korny daw. *hi nga pala sa inyo especially anne, cy, mel and loglog!*
~ ~ ~
lately, ive had weird dreams. hindi ko napost yung ibang napanaginipan ko dito kasi naging busy ang week ko nung last. pero aalalahanin ko kasi gusto ko pang magsulat sa blog. :)
kagabi:
napanaginipan ko na level 99 na daw yung character ko sa ragnarok. pag level 99 ka na kasi dun, magkakaroon ka ng ilaw/aura sa paa. so ang dating mo maangas ka, kasi malakas ka. parang ganun. ganung naman kasi dun sa game na yun, yabangan. eh ryt now ata im ay 50% of 98. so napaniginipan ko na nag-log in daw ako tapos 95% na raw ako. tapos pumatay patay pa ako ng iba pang kalaban tapos hindi ko namalayan na naglevel up na pala ako. tapos na frustrate ako kasi hindi ko na-screenshot yung paglevel ko. kasi dun sa game, pag naglevel ka, magkakaroon ng parang angel sa ulo na magfafade din after a few seconds tapos may sound ung pag-level mo. yung sound nya parang yung sinasabi ni scrappy doo sa cartoon na scooby doo before nya sabihing "
puppy power." gets mo ba? basta. tapos pwede ka rin kasing magtake ng screenshot whenever you like during the game eh. so yun. anyway, basta na-frustrate lang ako dahil hindi ko na-screenshot yun moment na yun tapos nagulat ako dahil 95% na ako eh kasi ngayoh 50% pa lang. eh it takes 1 hour for me to make 1% and it takes a one whole day of botting para maka 2%. so mahirap talaga.
nung natulog ako sa cover and pages:
nasa isang mataas daw kami na building. at andoon kami sa isang helipad. ang kasama ko dito mga green and white people namely er and miatch. hindi ko na maalala yung iba. tapos may kasama akong batang babae. basta nasa rooftop kami ng isang mataaas ng building. tapos namasyal ata kami kasi si er andaming pinamiling stuff. shopping. tapos after nun naghihintay daw kami ng helicopter kasi yung un susundo sa amin. tapos dumating na, dalawa yung dumating. yung pilot nung isa, isang mama na proffesional tapos yung isa si albert. taga-green and white din sya, sya yung editor ko. anyway ayun, nagulat daw kami kasi marunong mag-pilot si albert ng helicopter. tapos sabi nya all this time he knows how to pilot a helicopter and he even has a license for "air driving." pasensya, hindi ko alam yun term for that. sabi nila pag lumilipad ka daw sa panaginip, may tinatakasan ka daw na problema. pero wala naman akong problema right now na balak kong takasan. or do i?
nung night before ako matulog sa cover:
dalawang part ito eh. ito muna yung una. yung first part, tinubuan daw ako ng dalawang mata tsaka bibig sa paa. right foot to be exact. ang weird nga eh. tapos mahapdi pa daw sya kasi tumubo siya. so nung mga first parts nung dream wala pa siya. yun lang yung naalala ko, hindi ko alam kung ano ginawa ko after i had THAT on my foot. basta ang naalala ko lang mahapdi yung paa dahil dun sa pagtubo ng mukha tsaka yung setting. dun sya sa tapat ng bahay namin dati sa sama subdivision ng tinitirahan namin ngayon.
yung next part, nag-iba. nagising kasi ako mula dun sa panaginip na yun pero natulog ulit ako. yung next naman, medyo normal na. nasa isang adventure trip daw kami kasama ko ang mga plaridel. yung setting nito sa may dagat tapos may malalaking bato. pero yung outfit namin parang nanggaling kami sa swimming. so naglakad lakad at nag-explore kunwari. tapos may nakita daw isang kweba yung isang staff na kasama namin tapos tinuro daw nya. may tumatawag na sa amin para bumalik tapos may mga nagsasabi daw na baka delikado. pero ang naaalala ko sabi ko na puntahan namin. mag-iingat naman kami. so ayun napuntahan namin yung kweba na maganda tapos wala namang nangyaring masama. medyo korny pero maganda yung place sa panaginip ko. hindi lang ako marunong mag-describe.
ayun lang. hay. :P
~ ~ ~

name:







2 Comments:
peter! hurt ako! hindi ka man lang nageenjoy sa company namin?!?! hehehehe. drama lang. :P. baka hindi ka nageenjoy sa company namin KASI IKAW LANG NAGSASALITA PAG MAGKASAMA TAYOOOO!!! =P
i love you!!! :P.
hay...
Post a Comment
<< Home