Photobucket - Video and Image Hosting

Friday, April 22, 2005

excited sa picture

kakainis, walang kwenta computer sa bahay. sira ang usb port. buti na lang may opisina para doon ako makapag-upload ng pic nung yearend namin.

~~~

Image hosted by Photobucket.comImage hosted by Photobucket.com
(the fecture: bagong dating kami nito sa place ng aming yearend sa batangas, syempre picturan agad ang mga utaw)

hindi ko akalain na magiging masaya ang yearend. dami na kasing bago. tsaka parang ang tanda ko na. senior editor na kasi ako kaya nung past year, hindi na ako masyadong umaakyat sa opisina dahil nahihiya ako sa bagong editorial board. kaya nga rin siguro hindi ako masyadong close sa kanila. dahil nga ako yung past editor, syempre nahirapan akong mag-let-go sa posisyong dati ay akin. kahit na noong mga panahong iyon, akala ng marami ay madali sa akin ang pag-iwan sa position ko, iba kasi ung expression ng mukha ko kaysa sa nararamdaman ko. ganun kasi akong klase ng tao, kunwari maayos sa panlabas pero pag tinignan mo ang kalooban ko sobrang gulo. walang organization.

ayun nga. dahil sa nahihirapan akong mag-let-go, napag-isipan ko na bigyan muna ang sarili ng space para makapag-isip at tignan kung anon ang kelangan pang asikasuhin na ibang bagay maliban nga dun sa fact na hindi na ako ang editor. dahil dito, hindi na ako masyadong umaakyat sa office ng plaridel. kung aakyat man ako, sisiguraduhin kong sandali lang. kung magtatagal naman, sinasabi ko sa sarili na hindi ako magpapaka-bitter sa mga ginagawa ng mga tao sa paligid ko. pero dahil nga sinabi ko na magulo akong tao, minsan hindi nasusunod ang mga sinasabi ko sa sarili.

~ ~ ~

more pictures!!!
Image hosted by Photobucket.comImage hosted by Photobucket.com
hayok sa pool! takte, panget kasi ng dagat. marami nagsasabi na maganda sa picture, pero pag andun ka na hindi mo makukuhang pagswimming-an! kasi naman ang shore, wala pa yatang dalawang dipa mula sa entrance ng pool. at ang mabawbaw na part ng dagat yung paglumusong ka eh two feet lang and lalim. at ang layo nito bago lumalim. as in malayo. emphasis on malayo. ganito """"""malayo""""! higit sa lahat, ACTIVE ang marine life. as in with squiggling starfish and everything. *shivers*

Image hosted by Photobucket.comImage hosted by Photobucket.com

Image hosted by Photobucket.comImage hosted by Photobucket.com

adik sa videoke! kahit may sipon ako at ngongo ang boses ko, go pa rin sa pagkanta. la naman silang pake so go pa rin. lakas lang ng loob.

andaming videoke moments, promise! andami pang picture sa videokehan, hindi ko lang nilagay lahat dahil mawawalan ng silbi ang photobucket if ever. nyahaha.

ilang mga song (uy! conscious!) na kinanta ko sa videoke na nagandahan ako at feeling ko favorite ko na sila.
~ now that i have you (erik santos and sheryn regis version) <-the best ~ kahit sandali <-jologs to pag nalaman nyo kun sino kumanta. favorite ko to eh, tsaka la naman hindi jologs sa plaridel. ~ lost in your eyes <-classic na. pero masarap kantahin sa videoke, nakakapatid nga lang ng litid ang biritan. ayon nga kay kuya joel "..ubusan ng lahi..." ang category ng kantang ito. ~ kailan kaya (marina theme) <-heller! nasa setting kami ng first part ng marina eh, so why not kantahin ang theme. aaaah..aah..ahh..aa--aaahhh! ~ hey ya <-medyo nagkakaantukan na sa senti eh, so pinasaya ko ang ambience. but no! kj ang videoke machine! dahil sa bilis ng lyrics, hindi na masundan dahil nagla-lag ung machine. grr. ~last. eyes on me (final fantasy 8 theme) <-ang bagong theme song ng buhay ko. basta andaming nangyaring maganda habang kinakanta ko/namin (with the sining pips) to. ~ ~ ~ last na! patarayan sa villa agustina!!! Image hosted by Photobucket.com Image hosted by Photobucket.com Image hosted by Photobucket.com

Image hosted by Photobucket.com Image hosted by Photobucket.com Image hosted by Photobucket.com

di ba? natuwa sa digicam.

other title for this part of the blog --> ako!

nyehehe!

***digicam pics courtesy of ER's digicam. (well, may isang hindi. galing kay ruby yung isa.)

~ ~ ~

hay! basta ang saya ng yearend! medyo nagkaroon nga lang ng problema sa bandang huli pero ok pa rin. masaya pa rin! hehe.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home