kuya peter - - - signing off
ang tagal ko rin sa la salle. limang taon. parang andami nang nangyari. tsaka parang ambilis ng mga pangyayri. pero sinubukan kong balikan, pero hindi lahat naaalala ko pa. kasi may ibang detalye na nakalimutan ko na talaga. marami nga talagang nangyari, at ang saya ng buhay kolehiyo ko. ngayong huling termino ko na sa la salle ang pinaka-kakaiba. hindi ko alam, halu-halong emosyon ang aking nararamdaman. parang nalulungkot ako na masaya. nalulungkot kasi aalis na ako. masaya dahil sa wakas tapos na akong mag-aral! naguguluhan din kasi parang hanggang ngayon parang hindi pa ako sigurado na tapos na ako kahit na naipasa ko na lahat ng kailangang ipasa lalo na ang thesis. natatakot kasi ako na baka maudlot. sana magbigayan na ng course card para matapos na ito.
~ ~ ~
ang aking huling termino. hay. nung mga unang buwan, sobrang nabubuhayan ako ng loob kasi parang gawang-gawa na ako ng thesis para matapos na ang lahat. masaya rin ako dahil ok na yung special classes ko. sa plaridel naman, ok na rin kasi nakapag-let go na ako ng maayos at pwede na ulit kong umakyat sa opisina na walang pag-aalinlangan.
pero hindi naging maganda ang iniwan ng summer para sa akin noong mga panahong iyon. kahit na masasabi kong wala na akong problemang pampulitikal sa plaridel, puso naman ang namemeste! leche kasi! hay. hindi pa rin tapos ang paggawa sa yearbook nung simula ng termino kay nag-oovernight pa rin kami nina des hanggang hunyo.
habang nagtagal, nakalimutan ko rin ang problema ng puso at natutunang magpatawad at bumitaw ng maayos sa nararamdaman. natapos din ang yearbook. kasabay nito ang pagtatapos nung isa kong special class kasi naipasa ko na ang huling summary ng assigned akong gawin sa loob ng anim na lingo. syempre, napagtanto ko na kasama pala ako sa green and white! may prebilehiyo akong wala ang ibang regular ng mag-aaral. at ito ay ang mangdekwat ng contact print! ayun, at nakakuha ako nung sa taong gusto ko. hay. isa sa mga pinakamasasayang araw.
oo nga pala, syempre hindi ko makakalimutan ang mga bagong korespondente na aking nakilala ganundin ang mga korespondenteng pumasok noong ikatlong termino. hindi ko kasi sila kilala dahil wala ako noon, nasa practicum ako. nakilala ko sina [balita]-lesther,shamiya,corinna, [bayan]-kat,nica,peter arjo, [buhay at kultura]-jemar,julianne,che,paula, [isports]-ej,del,jun,princess,derek, [retrato]-timmy,kat,kringle, [sining]-fritz,bradly ng mas lubusan dahil nakakadaldalan ko na sila sa opisina. natutuwa ako kasi kahit sa iilang panahong natitira sa akin, nagiging malapit pa rin ako sa kanila kahit papaano. syempre, may mga tao ding bad trip. ay! hindi pala MGA. MAY tao palang bad trip. haha!
syempre, hindi mawawala ang aking mga kabatak! sina anne, ck, cy, stan, da, chris, ruby, jj, winkle, clai. pati na rin ang mga grumaduate na at iniwan ako [rc, er, des, jatts, shels, minat, etc.] hay. pero dumating ang puntong nagselos ako sa kanila kasi nga tapos na sila habang ako delayed. hmp!
~ ~ ~
ang daming lihim na nasabi. marami akong nalaman tungkol sa aking paligid. lalo na ang mga taong hindi ko inakalang ganoon pala umasal. ang saya kasi pwede pala akong pagkatiwalaan ng ibang tao. kasi ganun naman ako sa halos lahat. siguro nasusuklian lang ko. pero malungkot pa rin kasi yung mga taong gusto mong pagsabihan ka hindi ka naman nilalapitan. tsaka malungkot kasi dun sa mga nagiging mas close ko, parang bakit ngayon lang? wala lang. siguro ganun talaga. ito nga yung isa sa mga mahahalagang itinuro sa akin ng plaridel eh. kung ano ang para sayo, tanggapin mo. kung hindi, hayaan mo na wag mong ipilit. tanggapin mo na lang kung anong ibibigay sayo ng tadhana.
~ ~ ~
noong bago pa ako sa plaridel, bukambibig ng mga tao ang charing, chos, chenes, chika, chenelyn, ching, chuva, chuvaness, churva at iba pa. pero ngayon, tila mawawala na dahil iilan na lang kaming gumagamit ng mga ganung klaseng salita. hay, ang saya pa naman. hayaan mo na, siguro hindi siya meant na magtagal. pero sana...
~ ~ ~
hanggang sana na lang. sana. sana. puro na lang sana. parang mali ang umasa.
sabi ni jean-paul sartre sa thesis ko na hindi tayo pwedeng umasa sa ibang tao na gawin ang mga gusto nating mangyari. kung ano yung mga gusto nating maabot, atin yun. ang ating mga sari-sariling will ang gagawa nun para sa atin at sa oras na mamatay tayo, hindi tayo pwedeng umasa sa iba na ituloy ang ating sinimulan. pero kung sa isang organisasyon, may pagkakaisa ang naniniwala sa iisang layunin, pwede siguro nilang ipagpatuloy ang ating pinaniwalaan. pero sa kaso ko naman, siguro nga iisa ang layunin pero iba ang iniisip kong paraan para maabot yun. marami kasing paraan, at kahit alam kong maabot ang layunin, hindi ko masisigurado sa sarili ko na yung gusto kong paraan ang tutuntungan para maabot ang kailangan.
masyadong makasarili, alam ko. pero masyado na akong bangag para ulitin ang talata. pagtiyagaan nyo na lang. gusto ko lang makagawa ng entry para lang masabi na chumika ako sa blog ko.
~ ~ ~
anong punto ko? mamimiss ko ang lahat. mamimiss ko ang la salle lalo na ang sps. alam kong may mga taong hindi ko na makikita kahit kailan. lalo "KA" na! alam kong hindi na tayo magkakasalubong ng landas kahit kailan. pero natutuwa ako dahil minsan sa buhay ko, nakilala ko kayo/KITA. lagi kayong mag-iingat, at lagi ko kayong ipagdadasal.
~ ~ ~
malapit na ang araw ng pagde-desisyon. at sa wakas, minsan sa buhay ko. gagawin ko kung ano ang sinabi ko sa sarili ko sa simula pa lang.
~ ~ ~
kinakain ko na lahat ng sinabi ko noon at ibinabalik ko na ang tagboard!
~ ~ ~
isshouni asobo!
(ibig sabihin: halina't maglaro [tayo]!)

name:







0 Comments:
Post a Comment
<< Home