one step closer
Super exciting ng araw na to. nakakapagod pero medyo fulfilling ang naramdaman ko. haay. ganito kasi yun...
nung wednesday, nagpunta ako sa department. nakita ko sa pinto may naka-post na deadline ng thesis sa july 29. para sa mentor yun at aug 5 naman yung para sa panelists. syempre, nagulat ako. as in, super! buti na lang nasa kalahati na ako ng thesis nung araw na yun. kaya nung pag-uwi ko, at kagabi pinagpuyatan ko at pinag-ukulan ng oras ang thesis para matapos. kahapon, (july 28) buong araw ata ako nakatapat sa computer. Kain, digimon adventure 02 at naruto lang ang pahinga (tsaka may konting Darna at Encantadia, pero watching while typing ang chika). masarap magtrabaho kagabi kasi maulan tsaka malamig, pero masarap din matulog. pero hindi pweed hanggat hindi natatapos. pero ayun natapos ko rin. buti na lang may karamay ako habang gumagawa ako ng thesis, magka-text kami ni camille, ka-philo major ko. pareho kaming naghahabol.
tapos kanina napass ko na. pero ang labo ni sir, hindi niya sinabi kung kelan nya ibabalik. well, ineexpect kong ibalik nya na sana nga para malaman ko yung mga dapat itama kasi alam kong meron. pero babalik ako ng monday para makuha yung thesis ko.
ayun, tapos kanina habang nasa office at hinihintay ko yung time na nasa department na si sir, nag-usap kami ni kris. wala lang, tumambay sa office ng plaridel. tapos nakita nya yun thesis nya. nakakatawa kasi nasa lap ko. baka kasi matapunan or what habang nasa table. kakaiba pa naman ang table ng plaridel, nangangain at naninira ng gamit. kaya binigyan nya ako ng envelope. tapos dumaan din si kellyn, sabi nya ang fulfilling daw hawak nung thesis dahil dun sa kakapalan. siguro nga, nafeel ko na fulfilled ako kasi nakagawa ako ng ganun kahit medyo magulo pa (para sa akin) yung construction ng ideas. basta ayun!
~ ~ ~
habang nasa office si kris ng plaridel, may pumasok na subscriber tapos nagtanong tungkol sa green and white. tapos si kris yung nag-point kung saan yung office. natawa kaming dalawa, tapos sinabi ko sa kanya na ok lang yan para makaranas naman syang magturo ng office ng green and white tulad na ginagawa ng mga plaridel peeps.
~ ~ ~
nakakatuwa yung riddle sa batman, napanood ko kanina sa studio 23. klaban niya kasi si riddler. sabi ni riddler:
"Do you know a question that you can never answer 'yes' to?"
ang sagot, magtext sa 0917-cute-si-peter
haha.

~ ~ ~
isshouni asobo!

name:







0 Comments:
Post a Comment
<< Home