Photobucket - Video and Image Hosting

Saturday, July 16, 2005

change

andaming beses kong sinabi sa sarili ko na "isusulat ko ito sa blog," pero ngayon hindi ko na maalala kung ano ang mga yun. tinatamad pati akong mag-isip kasi ansakit ng ulo ko. hindi ko alam kung kulang o sobra ako sa tulog. basta!

halina't magbakasyon sa Obando
nagovernyt kami ni winks at rc kela da kagabi. lamay kasi ng lolo nya (condolence ulet da kung mapadaan ka). pero parang hindi lamay yung pinuntahan namin kasi arteng "amo" kaming tatlo kagabi. yung tipong andun kami sa sala nila da tapos pag may dadating na bisita, nakaupo lang kami tapos mag-hhi. tapos nung iniintroduce kami isa isa dun sa mga barkada nila clai nung high school, parang kami yung nakatira dun sa bahay. wala lang.
pero nawalan ng ubra ang pagiging amo namin nung dumating sila ck. lets put it this way, nabawasan yung sarap ng buhay namin (bilang mga amo) nung dumating "SYA." haha.
nung umalis ulit sila, kami na ulit yung amo. pero inaantok na kami kaya natulog na kami sa sahig ng may sapin na kahon ng ref (ata). di ba? very amo ang dating?

thesis!
nakapag-pass na ako ng isang chapter ng thesis ko! yehey! kaya lang namulubi ako sa pagpippiprint kasi 40 pages yun, eh 2 pesos isang page. kaya 80 pesos. such fun di ba? pero ok lang, at least tapos ko na yung part na yun.

in the end...
sa wakas, natapos din ang yearbook! finally, kahit medyo pasaway ang roadrunner (yung gumagawa ng DVD) dahil hindi pa sila tapos hanggang ngayon. tapos na ang yearbook! pero malungkot kasi wala nang overnight with the green and white 2005 peeps. at the same time, masaya din kasi para fulfilling. lalo na siguro kapag nakita ko yung printed version. na-excite tuloy ako. :P

interviewed by the crazy one
nakapagheart to heart talk ako sa isang kaibigan na sa sobrang daming beses naming magkasama na kaming dalawa lang, nito lang lumalim ang aming conversation to the next level. nakakatuwa kasi nung nakipag-usap ako sa kanya, sya lang yung may ibang reaction sa mga nakausap kong others. basta, ansaya. (huh? anlabo)

tara na, jogging tayo....sa gandaaaaa ng baaaaywalk (sing in the chorus tune ng commercial ni regine sa DOT ΓΌ)
argh! argh talaga! hindi matuluy-tuloy yung jogging session namin ni jeann at ck. amp talaga! sana matuloy next.

changes
tatanggalin ko na ang tagboard sa blog ko, nawawalan kasi ng silbi ang pag-comment sa blog entries. sa mga nagsulat sa tagboard, wag kau magalala nakatago sa puso ko ang mga tinag nyo, aahahha. tsaka nakasave din sa notepad kaya immortalized sila (unless masira ang comp ko na wag naman sana.)

~ ~ ~

isshouni asobo!

2 Comments:

Blogger wenk. said...

wala nang cover!!! huhuhuhuhu!!!

6:56 PM  
Blogger Ej Bautista said...

loser ang wlang tag!! joke.. yep go OSAB.... the best!! hehe.... cge kya Peter... ingatz and Always Pray.. :)

11:06 PM  

Post a Comment

<< Home