mamimiss kita!
umalis na kahapon ang mommy papuntang London. magtatrabaho kasi sya dun, 2 years daw yung contract. hinatid namin siya kahapon sa airport. sinamahan din namin syang maghintay from 230 hanggang 7 pm. naiyak yung mommy ko nung nagbababay sya sa amin. ako, pinigilan ko lang tsaka sinabi ko "magbakasyon ka na lang sa pasko" para magkita ulit kami. tsaka naramdaman ko ulet yung akap ng mommy ko. huling beses ko kasi atang nayakap sya, high school pa ako.
andun din yung pamilya nung mga kasama nya, yung iba malililiit pa yung mga anak. kaya nung nagcheck-in na sila, yung mga bata nag-iyakan. nakakalungkot.
nung andun na kami ng daddy at kapatid ko sa may railings habang tinitignan naming nakapila ang mommy ko, andami kong nakikitang ibang mga tao na nagyayakapan at nagkikiss at nagpapaalam. nakakalungkot, parang hindi ko kakayanin. kaya pala sabi sa akin ni rc noon na ayaw nya maghatid sa papa nya sa airport, malungkot talaga tapos idagdag mo pa yung kapaligiran.
basta mamimiss kita, mommy. mag-iingat ka sana palagi. i love you!

name:







0 Comments:
Post a Comment
<< Home