Photobucket - Video and Image Hosting

Thursday, December 01, 2005

Mahirap na ring masabihang nanginigialam kahit nagmamalasakit.

blog title quoted from lea abueva. :D

kakaayos lang ng telepono namin at ngayon lang ako nagka-computer kaya hindi na ako nakakapag-blog o kaya nakaka-pag check ng mail. ang dami na palang nangyayari sa email. akala ko ang 60+ inbox messages na naghihintay sa akin ay puros galing sa walang humapay na "[insert name here] has updated his/her friendster blog." un pala may nagkakainitan na. kagagaling ko lang sa school nung monday, mukha namang okay sila. ngayon lang kasi ako nag-check nung mga long loveletter-like emails eh.
ni-logout ko na ung email ko, tinatamad na ako magbasa. tinatamad hindi dahil sa mahahaba sila......sige na nga, mga 25% un ang dahilan. pero sa totoo, para kasing i feel helpless kapag binabasa ko ung mga un. unang-una, nung november 23/25 pa ung mga mail. parang ang-OA kung ngayon lang ako magrereply. pangalawa, dun sa mga nabasa ko, hindi ko alam kung sino ang tama at kung sino ang mali. may masasbing punto pero parehong sides may tama't mali. ang hirap, kasi tatlong sides ang nakikita ko. ang side ng mga super senyor, ang side ng immediate senyor, at ang side ng eb. pangatlo, sa buong stay ko sa plaridel naging passive ako sa mga desisyon ng mga mas mataas sa akin o kaya naman dun sa mga may karapatan magdesisyon. ako kasi ung tipo ng tao na gusto kong matuto ang iba through their experience. kahit na alam kong hindi magiging maganda ang kalalabasan ng isang desisyon, (at kahit mahirapan din ako in the process ^^; ) hindi na ako papalag dahil kapag pumalpak sa bandang huli, may mga bagay na matututunan. bukas kasi ang isip ko na may mga taong close-minded at ma-pride, na ang dapat sa kanila ay matuto on their own.

nakakahiya magbigay ng payo at tumulong. tulad nga ng sabi ni ate lea, mahirap (at masakit) masasbihang nangingialam kahit nagmamalasakit. kasi senyor na ako, baka sabihan pa akong hindi ako maka-let go dahil chumichika pa rin ako hanggang ngayon sa problema nila. gusto ko rin naman silang matuto nang sila sila lang dahil time nila un. ganito kasi ung style ng pagtuturo sa akin ni kuya kiko noon nung staff pa ako, parang "bahala ka sa buhay mo, dyan ka na." (no offense! ^^; ) pero alam kong nandyan lang sya kapag kailangan ko ng tulong. ayun.

~ ~ ~
isshouni asobo!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home