wet left sleeve
nadagdagan ang dalawang araw ang listahan ng mgapinakamasasayang araw ko. yung isa ay nung friday dahil launching ng green andwhite 2005 at yung isa ay kahapon dahil graduation.
~ ~ ~
maaga ako nagpunta ng school nung friday. mayroon daw kasi kaming bonding session nina anne. so ayun, punta naman ako. ang aga nga eh, 10 am nasa school na ako. mula nung tuesday, wala pa akong matinong tulog. pero ok lang, makikita ko ulit ang office sa umaga. noon kasi umaga pa lang nasa school na ako. isa ako sa mga nagbubukas ng opisina ngayon. at may nangyari pa sa office, nakakatawa (nga ba? haha). basta, ayun. hay, anne! :D
pagkatapos nun, sinamahan namin ni anne si cy kumuha ng college ring. leche ang mahal pala ng mga ganun! limang libo, hayop! tapos wala na kaming magawa after nun kaya napagdesisyunan namin na puntahan si DA sa kanyang dorm dahil hindi pa daw ito nakikita ni anne. tsaka para na rin sunduin siya dahil kakain kami, with rc.
ang lande ni DA, ayaw pa kami papasukin nung una dahil makalat daw sa kwarto niya, as if! eh kaya lang kailangan nang umuwi ni cy kaya nauna siyang umalis. tapos maya-maya pa, mineet na namin si rc. kumain kami tapos nagvideoke after. namiss ko magvideoke. hindi na ako naglilista ng mga kantang kakantahin kasi akala ko hindi na ako magvvideoke ever. pero ayun. tapos by 4 pm, kelangan ko nang imeet si des dahil magpapraktis kami for launching. host kasi ako. kinakabahan pa nga ako nun, kasi napa-oo ako ni des eh english-an galore yun. hay.
tapos ayun, practice. tapos maya-maya pa launching na nga. basta minutes before nung program sobrang kinakabahan ako dahil english. tsaka nabubuhol ang dila ko kapag nako-conscious ako sa pagsasalita ko. pero, bahala na. binabasa ko na lang yung nakalagay dun sa script. ang dami kong ka-flop-an! as in super dami. sana ako lang ang nakapansin. pero masaya siya, at super sarap ng food. sayang, hindi ko masyado na-enjoy yung pagkain dahil kinakabahan ako althroughout nung program.
pero masaya talaga. 3rd place ako out of 10 best staffers! yehey! tsaka naka-libre starbucks pa ako nung kagabi! haha. thanks ER. tsaka for the first time, nagkasabay kami ni albert sa jeep pauwi. parehas kasi ng daan.
~ ~ ~
sabado na, 530 nag-alarm yung fone ko. pero 545 ako bumangon. para ngang ayoko pa ngang bumangon eh. pero kailangan. bangon. ligo. bihis. kain. nakaalis na kami ng bahay mga 7 na. syempre ang assembly time sa PICC 730, so late ako ng 30 mins. swerte pa dahil pagkababa ko ng sasakyan sabay buhos ng ulan. buti na langmay payong sa kotse kundi...patay! pero kahit nakapayong, nabasa yung left sleeve ko. so i had a wet left sleeve under my toga. nyahaha.
ayun, so nung una nakapila kami. hindi nga ako aware na nagsastart na eh. nag-eentrance na pala ang mga tao. in fairness, nakakakaba magbow sa spotlight. baka malaglag yung cap ko. pero nakaraos naman kaya lang ang tagal bago kami nakaupo.
nung nakaupo na, may mga speech speech pa. tapos yung mga special peeps namay award. syempre, nung mga time na to. nagtetext ako. reply actually, dahil may mga nagko-congrats and stuff. kahit nasa gitna ako, nasa aisle, and 4th seat from the front, mega text pa rin. kahit less than 20 steps lang ako from bro. armin chika lang! haha.
basta ayun, tapos ayan na tinatawag na ang mga graduates. syempre, pag may friend na aakyat papalakpak. kahit nakakahiya dahil minsan solo lang akong pumapalakpak, keber! minsan lang to. tapos nung kami na sa CED, nakakatawa kasi tig-iisa lang kami for every course. tapos ang hahaba pa ng course namin. kaya medyo matagal kami sa stage bago makababa. tapos ayun,nung natawag na kami inintay ko na lang yung ibang friends ko sa ibang college para palakpakan, tapos wala na akong pake. mega-daldal na ako sa katabi ko.
ayun, pagkatapo kumain kami sa max's dito sa pasig. tapos umuwi din at konting picture-an dito sa bahay. tapos umalis ulit ako para mag-ragnarok. siege kasi, event yun sa ragna na every sat lang. in fairness,nakabasag ako ng emperium ng tatlong beses. saya! :D
~ ~ ~
ayun lang, tapos kaninang umaga ganda ng panaginip ko. kasi andun siya. sabay daw kami kumain sa sps ng kaming dalawa lang. tapos may kulitan and stuff. basta ang saya. haha. :D
pero ang weird, nung natulog ako yung paa ko nasa side ng tv malapit. pero nagising ako nung madaling araw, iba na pwesto ko. yung ulo ko andun na sa malapit sa tv. basta nag "vice-versa" yung pwesto ko. haha. siguro nanaginip ako.:D
~ ~ ~
right now: confused feelings. as in super confused! i've let go of this feeling months ago. ayoko na nito. pero parang ang hirap pigilan! argh! please! bossing! bakit hindi ka online! may pag-uusapan pa tayo! :P
~ ~ ~
isshouni asobo!

name:







1 Comments:
bad trip talaga yang automatic comments na yan no? grrr.
nwey, congrats po po po!!! :) woohoo!!! libre!!! :)
Post a Comment
<< Home