Photobucket - Video and Image Hosting

Thursday, October 06, 2005

the corpse bride

BABALA:

ang sumusunod nablog entry ay naglalaman spoilers sa pelikulang "the corpse bride." kasama nito ang ilang wrong grammar at pabugsu-bugsong ka-conyo-han. maraming salamat.



~ ~ ~

~ ~ ~

~ ~ ~

Emily, ito ang pangalan ng corpse bride sa pelikula. nagising siya sa kanyang himlayan dahil kay Victor habang nagpa-praktis ito ng kanyang marriage vows sa gubat, kung saan nakalibing si Emily. Dahil dito, itinuring ni Emily na kasal na sila ni Victor dahil sa nangyari. pero ang totoo, ikakasal na si victor sa iba. kaya nga sya nagpapraktis nung vows para dun sa kasal nila ni victoria. pero syempre, ayaw ni victor na masaktan si emily. kaya gumawa ng rason si victor para makabalik sila ni emily sa mundo ng mga buhay, para makita nya si victoria.
ngunit nalaman ito ni emily, syempre nasaktan siya. pero kinuha niya pa rin si victor at ibinalik sa mundo ng mga patay. pero galit pa rin si emily sa kanya, sinusuyo na siya ni victor pero balewala kay emily kasi alam niya ang totoong nararamdaman ni victor. likas kay victor ang pagiging mabait, kaya ayaw niyang makitang malungkot si emily. kahit na pinilit na sinasabi ni emily sa kanya na magkaiba sila at hindi sila pwedeng magkatuluyan.
ngunit nalaman ni victor na dahil hindi siya makita ng mga tao sa mundo ng mga buhay, ipinakakasal si victoria sa ibang lalaki. pagkatapos nito, nalaman din ni emily na hindi pwede ang kasal nila ni victor dahil sa vow na "till death do us part." kailangan mamatay ni victor para maging valid ang kasal nila. narinig ito ni victor kaya pumayag siya na magpakamatay para kay emily. pero ayaw ni emily dahil alam niyang iba ang mahal ni victor, pero ipinilit ni victor ang kanyang gusto dahil wala na si victoria.
nang makasal si victoria sa ibang lalaki, lumabas ang mga patay at nagkaroon ng reunion ang mga patay sa kanilang mga kamag-anak sa village nila victor at victoria. nagtipun-tipon sila para saksihan ang kasal nina emily at victor. lahat ay nasa simbahan na. nang makarating si emily sa simbahan, nagsisimula na ang seremonya. nang iinumin na ni victor ang lason, pinigil siya ni emily dahil nakita niya si victoria sa likod. sinabi niya na mas mabuting silang dalawa ang magkatuluyan. pero dumating ang "asawa" ni victoria at nalaman na ito pala ang lalaking nagpakasal kay emily bago siya pinatay. nagkaroon ng fighting scene tapos pinigil ito ni emily. pinapaalis na niya ang lalaki, ngunit nagbigay muna ito ng toast sa bagong kasal. ininom niya ang lason. namatay siya at dinala siya ng mga "undead visitors" pabalik.
tapos, ayun. sa bandang huli, si victor din at victoria ang nagkatuluyan. at si emily? ayun, naging maraming paru-paro at naglaho.

~ ~ ~

tulad nga ng sinabi ko, sadyang mabait si victor. mabait siya sa lahat ng tao. pero namisinterpret ito ni emily, kaya siguro nahulog ang loob niya rito.
kahit nung nagkagalit sila, hindi niya iniwan si emily. at naging mabait ang trato sa kanya kahit ganun ang itsura niya.
tapos nung nalaman pa ni victor na sa iba na ikakasal si victoria, pinili niyang magpakasal kay emily kasi at least may mapapasaya siyang ibang tao kesa sa magpaka-lunod sa lungkot. syempre, ang ating martyr-a superiora emily, ayaw kasi hindi naman magiging masaya dito si victor. pero mabait nga kasi si victor, gusto niyang sumaya si emily. pero pinaasa lang niya si emily kasi si victoria pa rin ang pinili ni victor. abot kamay na ni emily, pero binatawan pa. nagpakamartyr pa! anong kinalabasan? naging paru-paro pa, may drama pang "you fulfilled your promise, you set me free."
ganun talaga. buti nga ganun ang ending, magmula nung magsimula ang pacing nung part na ito nung story, winish ko na na sana ganito ang kalabasan. kasi naman eh! parang lalong na-e-emphasize ang difference. at pag sinabing difference, borderline talaga! as in walang tawiran! kapag tumawid ka, magiging paru-paro ka at aakyat ka sa langit.
anong point? may mga emily at may mga victoria. mga martyr pero sawi at may mga swerte. syempre, may mga victor din. ang mga super bait at often times misunderstood na na-fo-fall ka dahil kala mo sayo lang may special treatment. yung mga taong they give way to your happiness tapos aakalain mo na ginawa niya especially for you. pero in the end youll find out na ganun lang pala talaga siya sa lahat.
may mga "emily love victor" scenes sa buhay, na walang pake yung sa differences (emily) while yung isa sobrang big deal(victor). pero kahit ganito, ok pa rin kayo hanggang sa lumulubog si "emily" sa sobrang pagkagusto pa kay "victor."
leche, tama na! sobrang haba na nito. baka may makabasa pa ng secret code behind this,mahirap na. i dont want to bring the past up anymore (yuck, parang kanta.) i've had experiences where people isnt comfortable in talking about the past,lalo na kapag sobrang lakas nung impact. point is may swerte at may martir!

kaya...

butterflies, take me away!

now na!

~ ~ ~

isshouni asobo!

1 Comments:

Blogger Honey said...

nakakatuwa naman ung review mo. haha. kakaaliw a xD

12:29 AM  

Post a Comment

<< Home