Photobucket - Video and Image Hosting

Thursday, September 29, 2005

happiest day(s)

nasa office ako ngayon. masaya. pangatlong araw ko na ngayon dito sa office.
~ ~ ~
tuesday; september 27.
pumunta ako ng office kasi sabi ni ruby. nagpapatulong kasi siya sa layout dahil may pasaway daw na article. in fairness, excited ako nung day before dahil makakaakyat ulet ako sa office. makikita ko ulit ang mga tao. kaya lang nung nagpunta ako ng office, walang tao. ineexpect ko pa naman babatiin ako ng mga tao dahil matagal-tagal din akong hindi nagpakita. but no. siguro ganun talaga dapat. anyway, masaya pa rin ako. siguro ito ang isa sa mga masasayang araw para sa akin.
nung nasa bahay pa lang ako habang naghahanda akong pumunta ng office, winiwish ko na sana makita ko siya. although sabi ko hindi ako nag-eexpect na makita siya dahil para sa isang staff, hindi siya ganun ka-bibo tulad naming mga adik sa residency noong mga panahong staff kami. sabi ko sana bigyan ako ng sign na makikita ko siya, although hindi na ako ganoon naniniwala noon sa "signs." the "signs" have failed me before, so medyo nabawasan ang tiwala ko sa kanila. anyway, ayun. bago ako umalis ng bahay, napanood ko sa animax yung music video ng ready steady go. ang tagal-tagal-tagal ko nang hindi napapanood yun. tapos ayun. eh di ayun, nagpunta na ako ng school. sabi ni bossing, buond pressweek daw hindi siya umaakyat. naisip ko, how much more ngayong hindi press week. BUT NO! umakyat siya! waaaaaaaaaaaaaaah! kahit sandali lang yun, pwede na yun. pwedeng pwede na yun! shet!
tapos may binigay sa akin si mich. hahaha. hindi ko pwedeng ikwento dito kasi medyo confidential. wahahaha. basta, nakakatawa. akala ko wala na to, kasi nasa akin na yung kailangan ko. ahahaha. nakakatawa.
tapos nakita ko si des. ayun, kwentuhan galore. syempre, more of ranting about the shit at roadrunner. kakainis talaga sila.
tapos ayun na! layout na. shet, ang tagal. nagpunta pa kami ng cover and pages. in fairness, namiss ko ang cover. pero kapag pumupunta ako dun, lagi na lang akong umuuwi ng madaling araw or umaga na. shet! 3 am na ako nakauwi. tangina. pero ok lang, scary. pero hindi ko iniisip. pero masaya, kasi nakipagkwentuhan ako sa mga tao. tsaka may nangyari. hindi ako dapat sumaya dahil dun, hindi ko dapat bigyan pa yun ng meaning. dahil wala na yun. pero shet, wag diligan. ayoko na mangyari to ulet, wala na akong napala nung una. walang difference ngayon. garrh!
~ ~ ~
wednesday; september 28
430 am na ako natulog. kasi 4 ako nakarating sa bahay. AT! kailangan kong magpunta school kinabukasan dahil practice ng graduation. grabe! 2 oras lang ako natulog. feeling ko hindi ko kakayanin ang baccalaureate mass. ang alam ko pa naman kasalanan sa diyos kapag natulog ka sa misa. basta, goodluck na lang sa akin. pinilit kong bumangon at magbihis. shet, nakalimutan ko yung tie. bumalik pa ako. buti pa lang naglalakad ako palabas.
nakakatuwa manginggit. sila mitch at anne. pati si anne. haha. pero nairita si anne eh. pero ok lang. at least.
nakakatawa, hindi ko makwento. may masayang nangyari. ganito na lang.

bossing: san kita meet? nasakin na yung digicam.
ako: wag na raw sabi ni winks. thanks na lang
maya-maya...
bossing: hoy! andito siya. hanggang **** daw class niya.
ako: shet talaga! (sabay takbo sa office, para kunin ang digicam)
pagdating sa office...
plaridel peeps: bakit andito ka, naka-toga ka pa?
ako: hindi namin pwedeng hubarin eh, pagagalitan kami ng DO. (CHARING!)

shet. andun nga. hay.

grabe! 7 lang kami sa CED na gagraduate. may muse pa kami, taray! isang babae. tapos nung practice, 2 linya lang kami sa upuan. grabe, ganun kami kakonti. nakakapagod ang practice. sooooper! pero nagawa pa rin naming manood ng sine nung gabi hehe.
wah! ayoko na nito. ayokong ibalik ito. bossing! salvage me from this! nakakainis talaga, bakit? bakit, Lord? bakit kailangang lingunin ulit ng kalapati ang langit na nilaglag siya. hayop talaga. no! no! NO!
~ ~ ~
september 29; thursday.
12 na ako nakatulog kagabi. nagising ako ng 930, tapos kulang pa tulog ko. gusto ko pang matulog. kaya lang magte-10 na. magra-Ran the samurai girl na, tapos twin spica pa after nun. tapos yuyu hakusho sa animax. kailangang bumangon.
ayun, pupunta lang ako para kay anne. kunwari kukuha na lang ako ng alumni card para pag may nagtanong sa akin kung ano ginagawa ko sa school, may isasagot ako.
sad, kasi hindi siya umakyat. pero ok lang, naka-chikahan ko naman sina des, jatts at lorraine. wahaha.
tapos ayun, andito na ako sa office. andito ako, nagsusulat ng blog. still, nagpipigil ng dilig.
~ ~ ~
ayun!
~ ~ ~
isshouni isobo!

2 Comments:

Blogger toni cuesta said...

i hate these automatic comment thingie!!!

nweys, hi peter. =)

at congrats!!!! =)

2:05 AM  
Blogger toni cuesta said...

thingies pala. plural. hahaha. =)

2:06 AM  

Post a Comment

<< Home