Photobucket - Video and Image Hosting

Monday, July 04, 2005

kati ng lalamunan ko.

kainis si unay. hindi matutuloy jogging session naming tatlo ni jeann bukas kasi may shooting daw sya. pero okay lang, thesis naman eh. tsaka parang lalagnatin ako.

~ ~ ~

gumawa ulet ako ng thesis kanina. yay! nakaka-17 pages na ako. masaya naman pala, pag sinmulan ko na masarap nang magtuluy-tuloy. kaya lang ayokong gawin sa gabi kasi mapapanaginipan ko lang. kasi nung one time ginawa ko sya hanggang 2 am. tapos hanggang sa pagtulog nakikita ko yung mga characters dun sa anime na topic ko for thesis. parang napagod lang ako sa pagtulog. very ironic. pero nahihirapan pa rin akong simulan, lalong lumalakas ang force of procrastination. please, wag ngayon! pero lalaban ako!

~ ~ ~

another worthless entry. masabi lang na nagpost. nakaka-inspire kasi magsulat kapag nababasa ko yung ibang blog. pero pag ako na yung nagsusulat, schwanget! (nagpapaka-german). hay, bakit ganito ang buhay?

~ ~ ~

ishouni asobo!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home