first week of classes
for the first time ever ng stay ko sa la salle, ngayon lang ata ako tumagal doon ng wala pang 2 oras. tapos umuwi na agad ako. special class lang kasi kaya binigyan lang ako ng prof ng assignment tapos uwian na. pero kahapon din ganun din. pero yung prof ko wala kaya naghintay ako ng oras para maabangan ko sa labas ng room nya yung isa ko pang prof para makausap ko siya tungkol sa schedule ng special class ko sa kanya (yung class ko kanina, dalawa kasi special class ko. yung isa pag wed tapos yung isa pag thurs.) pero habang naghihintay ng oras umakyat muna ako sa office ng plaridel at green and white. (kahit labag sa kalooban ko dahil alam kong may makikita ako.) and sure thing i did.
nakita ko din si ck kasi siya lang tao sa office. tao ha. siya lang ang TAO sa office (wait, si ck tao? hmmm). wahahaha. so green and white naman, nanibago ako. kasi puro bago yung andun. wala na yung mga taong maingay na bumabati sa akin kapag pumapasok ako. bumili sila ng food kaya wala sila nung umakyat ako.
~ ~ ~
hindi na ako nasanay. tatlong taon ko nang naeexperience to, pero hindi ko talaga ma-take. parang mas madami sila ngayon. ANG DAMING FROSH! as in. masikip sa lahat ng daanan. ang dami nila. lahat ng pwedeng tambayan, pinuputakte nila. kahit sa library nakakatamad pumunta. pilahan palang ng lalagyan ng bag parang pila ng bilihan ng tiket para sa UAAP. grabe talaga.
~ ~ ~
nakakainis, parang madaming kumakalaban sa thesis topic ko. dati may nagtanong sa akin na classmate ko sa majors na nung sinabi ko sa kanya kung bakit yun yung topic ko sabi nya bakti daw yun. tapos pati yung prof ko dun sa isang majors ko ganung din yung sabi. hay nako! eh yun ang gusto ko eh! hindi naman sila ang gagawa, AKO! tsaka pumasa na ako sa proposal! kung ayaw nila nung topic ko, sila gumawa ng thesis ko. basta gagawin ko to! hindi ako papatumba!
~ ~ ~
waaaah! naaadik ulit ako sa gensomaden saiyuki. second season nya ang pinapalabas ngayon sa animax. tapos pinakita na rin yung preview ng third and last season nila. waah. grabe. =D

~ ~ ~
ishouni asobo!
ishouni asobo!

name:







4 Comments:
nakakainis, parang madaming kumakalaban sa thesis topic ko. dati may nagtanong sa akin na classmate ko sa majors na nung sinabi ko sa kanya kung bakit yun yung topic ko sabi nya bakti daw yun. tapos pati yung prof ko dun sa isang majors ko ganung din yung sabi. hay nako! eh yun ang gusto ko eh! hindi naman sila ang gagawa, AKO! tsaka pumasa na ako sa proposal! kung ayaw nila nung topic ko, sila gumawa ng thesis ko. basta gagawin ko to! hindi ako papatumba! -- my thoughts exactly! e di sila ang gumawa ng thesis ko! hahahaha. =)
shet. wala lang. narealize ko lang na kinopya ko lang yung post mo as my comment. hahaha. tamad. wala lang ulit. ugh. =)
labo mo kuya toni. hehe.
HOY! PUMUNTA KA SA OFFICE! WALA AKONG PAKI KUNG WALA KANG KILALA! PUMUNTA KA!!! SIGN KA ULIT SA LOGBOOK! HAHAHAHAH! =)
Post a Comment
<< Home