idle phone
ngayong summer, wala ako masyado pakialam sa phone ko. haha. pagkagising ko iniiwan ko lang sa kama tapos babangon na ako. babalikan sa gabi, bago matulog o kaya naman minsan kapag naisipan. lately, ang aking mundo ay umiikot sa ragnarok, naruto 3 sa ps2, final fantasyy x at xii. haha.
nakakainis, hindi na ako nagbago. nung maliit pa kami ng kapatid ko, kapag naglalaro kami sa super nes of sa playstation 1 ng fighting games. nanginginig ang kalamnan ko sa galit kapag natatalo ako. umm, siguro mayroon nang konting pagbabago kasi tinitiis ko na lang ngayon. haha. pero nakakainis, minsan hindi ako nakakapagpigil. lalo pa akong natatalo kasi hindi ako nakakapag concentrate. nakakaasar, hindi na sanay ang kamay ko sa mashing ng controller kapag labanan. kaasar. naruto 3 ang nilalaro namin. nakakainis talaga, hindi ako makasabay sa pag-kawarimi (pag-teleport sa likod ng kalaban in the middle of the combo) kasi nangangalay ang kamay ko. arrgh.
hay naku, imbyerna talaga. gusto kong sanayin ang sarili ko kasi dati magaling ako dun eh. hehe. pero promise, parang tumatanda na ata ang joints ng kamay ko. hehe.
minsan talaga may nananalo, minsan may natatalo. ayun.
may isa pa palang nakakainis na nangyari. nasira ang windows ng desktop namin, kayapinareformat. tapos ngayon wala na ang dota at ang gg. hindi na ako makakapaglaro sa desktop. hindi ko naman malagyan kasi wala akong cd hindi ko alam kung paano.

name:







0 Comments:
Post a Comment
<< Home