"its no big deal..."
hay. may mga bagay sa buhay na ginagawa natin kahit na alam nating may hindi magandang idudulot itinutuloy pa rin natin. marahil sinasabi natin na sa sarili na wala namang makakaalam kaya itinutuloy pa rin nating gawin. pero dumarating ang mga pagkakataon na may taong dumadating na hindi natin kayang paglihiman, mga taong mahalaga sa buhay natin. dahil sa kanilang kahalagahan, hindi na mahalaga kung ano ang kanilang magiging reaksyon sa mga nagawa sa nakaraan. basta ang mahalaga ay masabi ang mga ito.
ang mas nakakabigat ng damdamin ay kapag nasabi mo na, sasabihin niya na "ok lang yun. wala sa akin yun." nakakakonsiyensya kasi ang bait nya sayo sa kabila ng iyong mga nagawa. hindi maiiwasan na sasagi sa isipan mo na nasasabi nya lang yun dahil gusto nyang ipakita sayo na hindi sya naapektuhan pero ang totoo ay iba na ang tingin nya sayo. marahil nakakalito ng pananaw ang iniisip, pero nabubura ang mga ito kapag nakita mo sa kanya na totoo ang kanyang sinasabi dahil sa kanyang mukha at kung paano nya sabihin ang mga salitang "...wala sa akin yun..."
...kaya mahal kita eh. salamat sa pag-unawa.
~ ~ ~
maligayang araw ng mga puso!
~ ~ ~
isshouni asobo!

name:







2 Comments:
hmmm... (digesting content)
nakakarelate yata ako ng konti. hehe
peter musta ka na po? ;)
hey! ganda ng avatar mo huh! :P
Post a Comment
<< Home